Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (74 votes, average: 4.35 stars)
Loading...

Bentedos (Sagpro Krew) – Hambog Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Bentedos (Sagpro Krew) – Hambog
z

Sana itong awitin ko kahit saglit bigyan ng oras
Di kase kita mabibigyan ng tsokolate’t rosas
Chocolate sakit sa ngipin rosas ay nalalanta
Pero eto mula sa puso ang sinulat kong kanta
Na ikaw ang tanging bida at ikaw lang ang laman
Mahal kase kita yun lamang ang aking naramdaman
Simula nung nakilala ka sa aking paglabas
Maria Leonora Theresa Canlas
Eh pano kung Maria Theresa Canlas De Guzman
Ok yun ah di ba mas magandang pakinggan
Pero balita ko ngayon ikaw ay may iba nang
Minamahal pero ako hanggang ngayon ikaw lang
Kase di ba noong akoy nanligaw ako’y nangako
Na ikaw lang iibigin kaya tinupad ko nga to
Dahil langit na malayo sakin mo itinabi
Sayo ko lang itatanong tanong na “Will you marry me”

Chorus:
Could it be that I have found an angel
I can see heaven in your eyes
In my soul I never will be lonely
For there will be an angel by my side

2nd Verse:

Kahit tayo’y magkalayo ako’y kumapit sa tiwala
na ako pa rin ang yong Hambog ikaw aking Diwata
Kung mayron ka ngang iba wala na kong pakealam
basta’t mahal kita yun nalang aking alam
Kaya lahat ng nasa puso ko ay aking sasabihin
Kung kanino ka man mapunta ikaw ay babawiin
Upang ang pagmamahalan ituloy natin ito
Simula Nobyembre bentedos ng dalawang libo at pito
Dahil ikaw lang natatangi na sa akin nagpabago
At ikaw lang tinanggap ng puso ko na may kandado
Na ang susi ay wala sayo ang susi di mo nakuha
Pero ayos lang kase ika’y pinapasok ko nang kusa
Dahil mahalin kita hindi ko yon pinagisipian
Dahil yun ang gusto ko wala akong pinagsisihan
Oo mahal kita wala akong magagawa
Wala akong magagawa kapag ikaw ay nawala
Kapag ikaw ay nawala wala akong magagawa
Balibaliktarin mo man kase ikaw lang talaga
Mula noon hanggang ngayon at kahit kailan
Lahat ng aking ginawa lahat ikaw ang dahilan

Chorus:
Could it be that I have found an angel
I can see heaven in your eyes
In my soul I never will be lonely
For there will be an angel by my side

Kaya sa mundo na ito may nanatili na ako
Dahil ako ay mayroong ikaw ako nama’y sayo
At tatahakin natin ang mundong sadyang mapaglaro
Kahit tayo’y magkalayo alam kong magkakatagpo
Ang dating magkasamang magasawang JV at Matet
Hindi ako susuko hanggang sa muling magkalapet
Ang puso mo at puso ko na ikaw lang ang umakit
At humawak ka lang sa tiwala dun ka lang kumapit
Sige kumapit ka at wag na wag kang bibitaw
Sumama ka na dito sakin di tayo maliligaw
Ng landas di ba pinasok natin tong magkasabay
Hanggang ngayon ikaw pa rin at ako’y naglalakbay
Hindi problema ang distansya sa pagibig na tiyak
Tatapusin ko na to bago pa ko maiyak
Basta kahit anong mangyare dito satin ngayon
Wag mo kong iiwan ha di ko kaya yon (di ko kaya yon)

Chorus:
Could it be that I have found an angel
I can see heaven in your eyes
In my soul I never will be lonely
For there will be an angel by my side

In my soul I never will be lonely
For there will be an angel by my side