Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (81 votes, average: 4.49 stars)
Loading...

Bayang Di Magiliw – Hambog Ng Sagpro Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Bayang Di Magiliw – Hambog Ng Sagpro

Pilipinas ano na kamusta?
akala ko ang paghihirap mo jan ay tapos na
kase napanood ko non sa aking telebisyon
ang kahirapan daw susugpuin ang unang misyon
laging ganon ang sinasabe bago maghalalan
sa mga poste at pader kalat muka nila’t pangalan
pagkatapos nasan na sinabing pagbabago?
wala galing nyo lang mangbola at manggago
di nyo ako masisisi kung bakit ako galit
sino ba matutuwa sa mga panggap mabait
mga bata gutom tapos butas pa ang damit
kayo pormal at may alahas pang nakakabit
mga pagkain nyomarami ang natitira
sila onting bigas paghahatian ng lima
kayo’y may malalawak na mansyon bilang tahanan
habang sila siksikan ang anak nila mahirap mapatahan

(lyrics)
Pilipinas bakit ka animo’y
paraisong gumuho pati tuloy aking anino’y
takot ng bumalik sa aking bayang sinilangan
dahil nagiba’t nadurog na ang perlas ng silangan
kaya ibang pinoy ngayon ay kung kanikanino’y
nagpapakaalipin wag na pong paligoy ligoy
kilos nyo ang intensyon hindi po ang kurapsyon
sa tapat na direksyon yun ang tamang lokasyon

Verse 2
tinigil ko na rin panonood ko ng balita
kasi pareparehas lang ang aking nakikita
patayan,bombahan,barilan,dayaan,katayan
holdapan,sakitan,nakawan,gahasa
saksakan ng dalawang lasing
at mga tao na saksakan ng pagkasinungaling
ganito nalang palagi nangyayari sa pinas
kapag sinilang kang pinoy dapat ikaw ay matigas
dahil di ka makikinabang sa mga binayarang pondo
pambili nila kase ng kotse at ginto at condo
sobrang daming nakurakot pera di lang pangbulsa
nakamaleta pa pag di na kasya nakabangko pa
sila ang tunay na bagyo ng probinsyano’t manilenyo
nagkatawan na tao na Ondoy,Yolanda at milenyo
kung sino ang mayaman ay lalo pang yumayaman
mahirap ay nahihirapan na sa kahirapan na lumaban

(Chorus)
Pilipinas bakit ka animo’y
paraisong gumuho pati tuloy aking anino’y
takot ng bumalik sa aking bayang sinilangan
dahil nagiba’t nadurog na ang perlas ng silangan
kaya ibang pinoy ngayon ay kung kanikanino’y
nagpapakaalipin wag na pong paligoy ligoy
kilos nyo ang intensyon hindi po ang kurapsyon
sa tapat na direksyon yun ang tamang lokasyon

Verse 3
wala ako sa pinas pero ramdam ko kababayan ko
mga talukap ng inyong mata nakababa yan no?
kasi di nyo makita na sa kaliwa nyo’t kanan
may gutom,uhaw may karamdaman at walang tahanan
bulagbulagan at bingibingihan lang kayo
ginagasta ang yamang di naman para sayo
at sa sobrang tibay at kapal ng yong pagmumuka
hanggang dito sa america aking nakakapa

batobato sa langit ang tamaan mabanas
malalakas na magwaldas mas mataas at mas batas
dahil kapag mayaman ka ikaw ang laging biktima
kapag ika’y mahirap kriminal na ang tingin nila
akala ko nagaganap lang ito sa pelikula
basta may pera ka kahit batas ay maninipula
ilang milyong lang katapat ng hustisya at katarungan
maglagay ka lang inosente ka na walang katanungan
teka di pa ako tapos
ako ang boses ng masang pagod na at paos
na gumagastos galing sa trabaho at mga galawan
eh kayo ang ginagastos galing sa kahan ng bayan
mga magnanakaw na nakakurbata at pormal
mga demonyo sa loob sa panlabas mukang normal
eto pa ba ang bayan na ipinaglaban ni Rizal?
pinagharian ng kurakot nawala na ang dangal
teka di pa ko tapos susulitin ko na to
umabot man sulat sayo ay pupunitin mo lang to
sa pwesto ay nagpapatayan magpangako magaling
sa pagtupad wala na sa kapangyarihan dun sakim
kelan kayo kikilos hanggang kelan maghahantay
kapag sa kababayan mo marami na ang namamatay?
bangon nyo ang pilipinas wag gawing impyerno to
“PROUD akong pinoy ngunit kinahihiya ko ang GOBYERNO ko”

Submitted by: mardeza u. edzla jr.