Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (30 votes, average: 4.63 stars)
Loading...

Asero (Asero Records Intro Song) – Hambog Ng Sagpro Krew Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Asero (Asero Records Intro Song) – Hambog Ng Sagpro Krew

Ikaapat ngayon papaalam
Ang prisensya ng kalupitan ko ay pararamdam
Para sa mga hindi nangingilalang nilalang
Bumangga ka sakin malamang ay maapi ka lang
Dahil di mo pa ako nakikilala ng lubos
Ang nakipagtuos ubos at napulbos at naupos
Tila inabot ng kutos sa mga ulong matigas
Ako’y nabuhay na unos saking kamay di ka ligtas
Pinipiglas,pinipitas ungas nagkamalasmalas
Inilabas,itinaas lakas kaya kalaskalas
Ang mga loko na tonto at todo na bobo
Ito ko sa trono at oo di mo ko
Maaagawan masapawan tatapakan lang kita
Kaaawaan tatawanan nagtapatan pa sila
Kaya panay salo sa larong patamaan
Letra ko ang palaso armas na pangpanaan
Iyong pangkat wasak wasak bagsak lahat lalagapak
Ang magbalak maging balakid at tiyak tadyak sapak
Ang aabutin, ng mga bobo at hangal
Tira ko ay parang pinatay ang yong mahal
Di ba napasaket
ganyan ako malupet sa malupet
Sinilang na brutal at di nagpapatawad
Kayo’y dadanas ng kalupitan sa aking palad
Itng pasabog sunog kahit bantog
Ika’y durog sa tunog ni Hambog
Di mo na masukat ang aking kapasidad
Ako’y surpresang aatake pangbiglang kalamidad
Na raragasa babala ko sa lahat ng babangga
Handa ka ba na mabalasa na hindi masasangga
Dahil ako’y aserong gagapi sa di karapat dapat
Yan ang dahilan kung ba’t sinilang na ang ikaapat
Ng Sagad Sa Porma Krew (SAGPRO) ako
Wag masyadong kabahan patikim palang to