Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (No Ratings Yet)
Loading...

Salamat Ft. Loraine – Hailie Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Salamat Ft. Loraine – Hailie

Walang paglagyan ang ligaya na iyong
nadama nang ako ay makilala
minahal mo ako walang
halong pagdududa
tayo’y masayang nagsama

Sakin lang nakalaan ang panahon
at oras mo sa lahat ng mga bagay
inuuna mo ako
sinuway mo ang sarili mong magulang
dahil sa pagmamahalan natin ayaw mo
na may humadlang

Labis labis ang pasasalamat mo sa itaas
dahil ang tangi mong pangarap
natupad na sa wakas
nang ikaw ay humiling ako ang dumating
kaya sa buhay mo
wala kanang mahihiling

Binigay mo ang lahat higit pa sa kaya mo
hindi ka nagtira ng para sa sarili mo
dahil para sa iyo akoy sapat na
kaya hindi kana magmamahal pa ng iba

Ngunit sa di naasahang pagkakataon
ang pagsasama natin nawala sa direksyon
ang ating relasyon tila ba nag iba
mga pangarap moy unti unting nag-iba

Sa impluwesya ng mga tropa
ako ay nagpadala, galit ako
sayo pag di mo
nabibigyan ng pera
bisyo barkada ang lagging inuuna
ibat ibang babae ang
lagi kong kasama

Imbis na magalit pilit mong inuunawa
di ko lubos maisip
bakit ko ba nagawa
sa kabila ng mga pinakitat pinadama mo
puro sama lang ng loob
bang ginanti ko sayo

mas pinili mo pa na manahimik na lang
kahit harap harapan na kitang sinasaktan
sa pag-ibig mo sa akin wala kang
napala laking pasasalamat ko na lang
dahil di ka nadadala.

Ibang-iba ang ligaya
pag kapiling ka ahhh
hindi matutumbasan ng kahit sino man
ang aking nararamdaman

sana naman makita mo
lahat ng paghihirap ko
kahit ramdam kong may iba naman
dyan sa puso mo nandito pa rin ako ohhh

Hindi ko rin alam kong bakit?
minahal kita ng ganito
kahit ilang pagsubok pa ang dumating
sa atin nanatili akong matatag

Ramdam kong may kahati
ako dyan sa puso mo ohhh
hindi ko lang pinapansin
dahil ayokong pahabain

Ayokong mawala ka (ayokong mawala ka)
hindi ko kakayanin
ayokong sabihin nagsasawa kana
dahil paulit-ulit na lang

Basta hindi ako susuko
kahit anong mangyari…
hindi ko hahayaan na kahit na ganon
magkahiwalay
dahil mahal kita ahhh…

Salamat mahal at di ka bumitaw
nung mga panahon na ako ay naligaw
nang landas at sa mga oras na ito
ako ay nangangako na di na mauulit
pa ang mga kamaliang nagawa ko sa iyo

ilang ulit man na magkamali
bakit hindi mo magawa na
ako ay masumbatan
ngayon ako naman aking susuklian
ang pag mamahal na iyong inilaan

sanay malaman mo na nagsisisi na ako
seryoso na ako sa mga
pagkakataong ito
kahit hindi ko hilingin sayo
alam ko naman na napatawad mo na ako

Minahal naman kita di ko lang naipadama
pero ngayon handa ko
nang itama ang mga
pagkakamali na aking
nagawa
salamat dahil kahit kailan
di ka nagsawa na

Ako’y alalayan di pinabayaan
di mo hinayaan na mabalewala,
at ang pagmamahala natin
ay maunta sa wala
wag kang mag-alala pagkat ako ngayon
ay natauhan na, malinaw na sakin
ang lahat mula ngayon iingatan na kita

Gagawin ko ang lahat mahal upang ang
mga pagkukulang ko sayo
ay aking mapunan
di kana masasaktan

di ko na mapaptawad ang sarili ko
kung hahayaan ko lang mawala
sa buhay ko
ang isang katulad mo,
na minahal ang tulad ko
kahit na mahirap ito ay kinaya mo

Ako na ang pinaka mapalad na nilalang
dahil nakatagpo ako ng
tulad mo na handang
ibigay ang lahat ng walang hinihintay
na kapalit kahit nahihirapan ka di mo
ininda ang sakit

[Repeat 3x]
Ibang-iba ang ligaya
pag kapiling ka ahhh
hindi matutumbasan ng kahit sino man
ang aking nararamdaman
sana naman makita mo
lahat ng paghihirap ko
kahit ramdam kong may iba naman
dyan sa puso mo nandito pa rin ako ohhh