Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (18 votes, average: 4.06 stars)
Loading...

Isang Hiling – G’squad Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Isang Hiling – G’squad

Chorus:
kung meron man akong isang hiling
yun ay makapiling ka kaibigan ko
madama ang paglalambing
mga tawanan natin at asaran
ay di ko malilimutan
kaibigan ko maraming salamat

aking kaibigan nasaan ka man ngayon
ang ala-ala mo’y mananatili habang panahon
kung meron man akong isang hiling sa itaas
sana’y makapiling pa kita sa mga sandaling oras mo
sa mundong mapag-amok, di inasahan na
ang gabing iyon na syang huli nating tawanan
ni wala sa isip ko na mawawala ka na
kaya biglaan din umagos ang luha sa aking mata
galit at lungkot, ang emosyong sakin naghalo
pangarap mo ibinahagi mo sa akin ay naglaho
tanda mo ba kung minsan tayo tumanaw sa kalangitan
at ang mga asam ay sinigaw
kaya’t di lubos na maisip sa dami ng tao sa mundo
bakit ikaw pa pinakamatalik na kaibigan ko
ang dadanas ng sakit at pait ng kapalaran
ngayon wala ka na ano pang silbi ng kalayaan

Chorus:
kung meron man akong isang hiling
yun ay makapiling ka kaibigan ko
madama ang paglalambing
mga tawanan natin at asaran
ay di ko malilimutan
kaibigan ko maraming salamat

Kaibigan mahal kita lagi mong tandaan
isa kang magandang bagay na aking natagpuan
kayaman para sa akin ang iyong mga ala-ala
presensya mo ay nasa puso kong naging madrama
simula ng mawala ka ang dami ng nag-iba
sa tambayan di na mapuno tila walang sigla
umaasa isang araw panaginip lang pala
magising na sa bangungot at makita na kita,
nakangiti.. sumasalubong sa aking pagdating
paliliguan ng asar na para sakin ay lambing mo lang
sanay ako kasi yun ka walang plastikan
pagkatao mo’y tapat hindi ka pekeng kaibigan
kaya naisip ko pasalamatan sa kanta
baka sakaling sa mga utang ko ay makabawi na sayo
kaibigan ko di kita malilimutan
saludo ako sayong ipinakitang katapatan

Chorus:
kung meron man akong isang hiling
yun ay makapiling ka kaibigan ko
madama ang paglalambing
mga tawanan natin at asaran
ay di ko malilimutan
kaibigan ko maraming salamat

bakit ganun parang ang daya-daya ng mundo
bakit kailangan pa na kaibigan ko
di ko alam pano tatangapin
masakit para sa akin
ang biglaan iwan mo
kaibigan ko madaya ka
sabi mo walang iwanan
pero tila kinalimutan mo
ang ating kasunduan
na sabay tayong lalaban sa mapaglarong kapalaran
nasan ka na? nasan ka ba?
nasan na ang kaibigan ko?

Chorus:
kung meron man akong isang hiling
yun ay makapiling ka kaibigan ko
madama ang paglalambing
mga tawanan natin at asaran
ay di ko malilimutan
kaibigan ko maraming salamat

Videokeman Search