Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (122 votes, average: 4.73 stars)
Loading...

Takipsilim – Gloc9 (Ft. Regine Velasquez-Alcasid) Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Takipsilim – Gloc9 (Ft. Regine Velasquez-Alcasid)

CHORUS:
Di ko sana binitawan ang iyong mga kamay
At sa paglipas ng taon ako sayo ay sumabay
Alalayan at masamahan ka sa huli
‘yan ay di ko ginawa
Noong ikaw ay akin pa

VERSE 1:
Pag gising sa umaga, deretcho sa banyo
Naligo ng maaga, nilakasan ang radyo
Habang pinili ang paborito ko’ng damit
Na ginagamit ko nung tayoy magka kilala

Lumabas ng bahay, tumingala sa langit
Kahit na tulala ay mahinang inaawit
Saking sarili ang himig na nadinig
Sa radyo noong (sa radyo) tayoy magkakilala

(Chorus)

VERSE 2:
Kahapon ay nanggaling ako sa manggagamot
at ang laman ng hangin sa bagay di aabot
Kahit nalaman ay di naman ako galit
Ibinaling ko sa dami ng naalala

BRIDGE:
Tanong ko sa aking sarili
Ano ang gagawin ko?
Lahat ng tila imposible
Pagkakasyahin ko

Lalangoy sa dagat maliligo sa ulan
Maghahanap ako makahiya sa damuhan
Habang lumalakad ng naka paa sa putikan
ang oras ay ngayon walang tanong na kailan

Asintahin mga bitwin pag mamasdan ng mabuti
Mag bebenta ng mura di bale na kung malugi
Wag kang mag aalangan bawasan ang muni muni
Dapat di ka natatakot bahala na kung mahuli

Aking sasabihin ang lahat ng gusto kong sabihin
Lulusungin ang lahat ng gusto kong sisirin
Mailap na kasaguta’y aking hahanapin
Ang mga mahal sa buhay ko ay aking yayakapin

Lumuhod sa ama tumingila
Nang ang maling nagawa mabaliwala
Ang paalam ay isang malungkot na salita
Lalo na kung marami ka pang hindi nagawa

Kaya sabihin mong mahal mo sya bago mahuli ang lahat
Kalagan mo ang dilang kagat
Tapos bumalik sa umpisa para lang humina lahat
At marinig mo ang tamat tapat

Dahil ang buhat natin ay hiram
Di alam kung kailan
O kung gano kaigsi ang panahong nakalaan

Buhay natin ay hiram
Yan ay dapat mong alam
Dahil ang kahapo’y di na natin pwedeng balikan

CHORUS:
Di ko sana binitawan ang iyong mga kamay
At sa paglipas ng taon ako sayo ay sumabay
Alalayan at masamahan ka sa huli
‘yan ay di ko ginawa
Noong ikaw ay akin pa