Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (1 votes, average: 5.00 stars)
Loading...

Sagwan – Gloc 9 Ft. Monty Macalino Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Sagwan – Gloc 9 Ft. Monty Macalino

Kahit malalim lulusungin ko
Lahat ng alon haharangin ko
Kahit malayo tatahakin ko
kung ito’y babalik sayo
Marami beses man lumisan pa
sayo parin palagi ang punta
Kahit ilang bagyo wala sa akin
Makakapigil pa makita lang kita

Chorus:
Seaman ang tawag sa amin
Ibat-iba man ang gawain
Halinat kilalanin mo
ako man ay pasalinsalin
Parang ihip ng hangin
Kailangang unawain nyo ako

Si Domingo Evagelista ako’y nanggaling pa probinsya
Lumuwas don sa Maynila baka sakali lang kumita
Ng pang gastos sa bawat araw nangangarap na balang-araw
Mag sagwan sa malaking bangka ang tawag ay barko
Taga hugas ng pinggan
pagkatapos ligpitin ang pinagkainan
Uniporme kong puti na palagi madumi
huwag nyo na tignan inyong pakinggan
Ang kwento ng bawat tao sa dagat
pa lutang-lutang sa tubig alat
Makapag trabaho ang tanging balak
Para sa pamilya handang sumabak ang mga

Chorus:
Seaman ang tawag sa amin
Ibat-iba man ang gawain
Halinat kilalanin mo
ako man ay pasalinsalin
Parang ihip ng hangin
Kailangang unawain nyo ako

Akoy mang-aawit sa barko pag gabi tawag sa akin ay Rey
Pero pangalan ko ay Rene sunud-sunod ang mga tip
Kaya laging may pangbili kahit ano kakantahin
Basta malakas ang tili
kapag bumirit kinikilig lahat ng kababaihan
Oo ang sagot kahit hindi ko pa nililigawan
Halo-halong pabango na ang kumapit sa unan
Hindi na mabilang kaya ngayon may karamdaman

Ako naman si Tonio ang kanang kamay ng kapitan
Asensado na tila ba walang mapaglagyan ng salapi
Pag-uwe mahirap mag ngiti parang mali
Ang tubo ng mga iniwang kong binhi
na lulong sa bisyo at tumigil na sa pag-aaral
palaging naka ngiti at kilos ay tila mabagal
Ang mahal ko asawa tangay ang lahat ng takal
Karangyaan pa pala ang syang dahilan ng sagabal sa buhay

Kahit malalim lulusungin ko
Lahat ng alon haharangin ko
Kahit malayo tatahakin ko
kung ito’y babalik sayo
Marami beses man lumisan pa
sayo parin palagi ang punta
Kahit ilang bagyo wala sa akin
Makakapigil pa makita lang kita

Napunasan ko na po ang kahuli-hulihang plato
Nalinisan ko na din at mabango na mga banyo
Habang nagpapahinga at mag-isa sa aking kwarto
Paulit-ulit ko sinasabi ang aking pangako
Sa aking pamilya at mga anak asawang na iwan sa Pilipinas
Nakakaiyak man di binitawan larawan nyo khit pa nasusuka na ako sa alon
Ang inyong kinabukasan ang syang tanging ko baon
at ng lumaon ay makauwe sabay na umahon
Sa kahirapan na bahagi na lamang ng kahapon
Pero sanay maintindihan upang muling masindihan
natin ang kalan at ng malagyan ang hapag-kainan
Lalayo muli dadaong sa ibang bayan
kahit madalas ay dagat lang ang nasisilayan
Sampu ng mga kababayan ko tinitibayan
pag-asa tangan-tangan na sing tibay ng kawayan

Kahit malalim lulusungin ko
Lahat ng alon haharangin ko
Kahit malayo tatahakin ko kung itoy babalik sayo
Marami beses man lumisan pa sayo parin palagi ang punta
Kahit ilang bagyo wala sa akin
Makakapigil pa makita lang kita

Chorus:
Seaman ang tawag sa amin
Ibat-iba man ang gawain
Halinat kilalanin mo ako
man ay pasalin-salin
Parang ihip ng hangin
Kailangan unawain nyo ako

Videokeman Search