Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (9 votes, average: 4.44 stars)
Loading...

Bayad Ko Feat Noel Cabangon – Gloc-9 Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Bayad Ko Feat Noel Cabangon – Gloc-9

Mama para dyan na lamang po ako sa may tabi
Bababa napo ako Heto po ang bayad ko
Mama para dyan na lamang po ako sa may tabi
Bababa napo ako Heto po ang bayad ko

Si mang Berto
Na sumakay sa may kanto
Atin nang simulan ang mga kwento
May kaisa isang anak na babae
Ngalan ay Luisa
Isang estudyante
Ang pag aaral iginagapang
Upang kahirapan ay matakasan
Isang gabi ng marso
Bandang alas otso
Maagang umuwi ng bagay si mang Berto
May dalang supot ng pansit at mamon
Maligaya kahit sa bihirang pagkakataon
Bukas ay magtatapos na sa kursong kinuha
Ang kanyang pinakamamahal na si Luisa
Dapat sanay meron na silang patutunguhan
Ngunit sadya bang may sumpa itong ating lipunan
Dahil natagpuang patay sa ilalim ng tulay
Pangarap ni Luisa ay inanod lang na kasabay

Mama para dyan na lamang po ako sa may tabi
Bababa napo ako Heto po ang bayad ko
Mama para dyan na lamang po ako sa may tabi
Bababa napo ako Heto po ang bayad ko

Pagdaan sa may quezon avenue
Sumakay naman si ate Marilou
Bente kwatro anyos
Walang natapos
Ang anak ay nasa icu
Pag patak ng alas onse naka kolorete
Sya’y nasa tabi at pumapara ng kotse
Kahit dosbente kanyang papatulan
Pambili ng gamot para malunasan
Kahit isang araw lang
Buhay kanyang anak madugtungan
Bukas ng gabi naman
May ilang buwan na ring kanyang ginagawa
Walang matakbuhan
Bakas sa mukha
Lahat ng pait
Ngunit sanggol nyay
Walang kapalit
Kahit alam nyang syay nahawa ng sakit
Para sa kanyang anak gagawin ng papikit

Mama para dyan na lamang po ako sa may tabi
Bababa napo ako Heto po ang bayad ko
Mama para dyan na lamang po ako sa may tabi
Bababa napo ako Heto po ang bayad ko

May isang batang nakasabit sa estero
Anim na taon ang pangalan ay Benito
Maghapon magdamag syang nagtratrabaho
Punas ng sapatos at bote dyaryo
Para may makain ang tatlong kapatid
Lima apat dalawang taon isang batang paslit
Palamang ay naatang na sa kanyang balikat
Responsibilidad iniwan ng amay nalipat
Nang ipinasok sa kulungan ang ina silay iniwan
Sinubukan nyang pigilan ngunit syay pinagtulakan
Hanggang sa nagkasakit ang bunsong kapatid
At sa isang kariton ang hiningay napatid
Ngayon ay di na batid kung ano ang syang hatid
Ng bukas para kay benito na tila parang manhid
Na sa hapdi na dulot ng mga pangyayari
Sumisinghot ng rugby bumaba sa may malate

Mama para dyan na lamang po ako sa may tabi
Bababa napo ako Heto po ang bayad ko
Mama para dyan na lamang po ako sa may tabi
Bababa napo ako Heto po ang bayad ko

Kahit na ano mang hirap ang sa atiy dumating
Tumawag lang kay mamang Drayber
Tayoy makakarating

Mama para
Tayoy makakarating

Videokeman Search