Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (41 votes, average: 4.73 stars)
Loading...

Basta’t Kasama Ka – Gloc-9 Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Basta’t Kasama Ka – Gloc-9

palaboy-laboy sa lansangan
kami’y walang matutuluyan
ang buhat at tila bumibigat pa
makakaya ko ba?
palakad-lakad sa lansanagan
tila walang patutunguhan
ang buakas ay may maihahatid pa
basta’t kasama ka

tulak-tulak kariton
pataas sa riles
pilit na nag-iipon
pambili ng dilis
damputin mo sa kahon
retaso na pambihis
isang baldeng tubig sabon basahan
at panlinis ng kotse

punasan ang dungis na pinahid
ng buhay sa pagkatao
higpitan mo ang kapit
huwag na huwag kang bibitaw
huwag kang magagalit
dahil pagmamahal lang
ang dapat ginagamit

palaboy-laboy sa lansangan
kami’y walang matutuluyan
ang buhat at tila bumibigat pa
makakaya ko ba?
palakad-lakad sa lansanagan
tila walang patutunguhan
ang buakas ay may maihahatid pa
basta’t kasama ka

tulak-tulak kariton
pataas sa riles
pilit na nag-iipon
pambili ng dilis
damputin mo sa kahon
retaso na pambihis
isang baldeng tubig sabon basahan
at panlinis ng sahig,sakit
pait na dinanas
lupit parang damit
na ginupit ng matalas

damputin ang butil
kahit di magkaparehas
kahit batang yagit
ay may karapatan sa bukas

simula pa nang ako
ay magkamuwang
hinahawi na lahat ng nakahadlang
dito sa mundo pwede bang magkapuwang?
kahit sa’kin ay
pilit kong iniinda

lahat ng kahirapan
lahat ng pighati
basta magkasama tayo ay di hati-hati
handa kong tiisin ng
walang atubili
masilayan ko lamang
ang matamis mong ngiti

sabi nila ang buhay
ay sadyang mapag biro
minsay nakakasugat
galos na dumudugo
kahit ano pang hamon
hindi ako yuyuko
ikaw ang kalakasan
at aking taga-buo

(repeat 4x)
palaboy-laboy sa lansangan
kami’y walang matutuluyan
ang buhat at tila bumibigat pa
makakaya ko ba?
palakad-lakad sa lansanagan
tila walang patutunguhan
ang buakas ay may maihahatid pa
basta’t kasama ka

bastat kasama ka