Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (35 votes, average: 4.71 stars)
Loading...

Iniwan Mo – General Ng Sagpro Krew Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Iniwan Mo – General Ng Sagpro Krew

Iniwan mo ang puso ko
Para mahalin ang tulad nya
Kinalimutan mo ako oh,,
Mula nung makilala mo sya
Ipinaglaban na kita
kahit na may iba ka na
( may iba ka na )
Mag mula nung iwan mo
Nasaktan mo ang puso ko
Nung sumama sa iba

Magmula nung iwan mo
Puso ko’y naparalisa
At maging ang katawang
Tao ko’y laging balisa
At ang sakit na nadama
Idinaan ko sa akda
Palisan mo sa buhay ko
Ako’y di pa nakahanda
Tila sinayang at nasayang
Kaya di ko matanto
Kaya ako’y nanghihinayang
Ba’t tayo nagkagan’to
Humina ang aking loob
At nawalan na ng lakas
Magmula nung namawala
At relasyon ay nagwakas
Walang mali sa ginawa
Walang mali saking pagtrato
Pa’no pa mabubuo kung
Nawala ang kapiraso
Sakin ba ika’y may galit
At ako’y kinamuhi
Kaya naman ang relasyon
Sa hiwalayan nauwi
Kulang na nga sa materyal
Kulang pa ko sa kayamanan
Tapos nawala ka pa kaya di
Ko na makayanan
Ang pinagdaanan ko
Magmula nung nawala ka
Laging tanong sa isip bakit
Ba kumawala ka

Iniwan mo ang puso ko
Para mahalin ang tulad nya
Kinalimutan mo ako oh,,
Mula nung makilala mo sya
Ipinaglaban na kita
kahit na may iba ka na
( may iba ka na )
Mag mula nung iwan mo
Nasaktan mo ang puso ko
Nung sumama sa iba

Laking tuwa ko dati
Nung magkabalikan na
puso ko’y laki ng hati
Nung magkamali ka na
Anong kulang nasayang ni
Hindi ka nanghihinayang
Pa’no ka makakamove-on
Eh, hindi ko nga makayang
Umibig pang muli
Kahit maganda pa sila
Pa’no pa muling iibig
Puso ko’y iyong dala
May babae jang gusto ako
Sagot ko ay (ayoko)
Alam mo ba kung bakit?
(‘Kala ko para sayo ko)
Kaya pakinggan mo
Itong munti kong opera
Puso ko ay kritikal
Kailangan nang maopera
Magmula nung lumayo ka
At ako ay iwan mo
Dahil hindi ko inexpect
Na ako’y bibitawan mo
kaya sa t’wing sasagi
Sa isipan ko ang ala-ala
Ang kirot na nadama
Ay tila mas lumalala pa
Di kaya ang palaso
Ni kupido ay kumapos
Kaya ang kabanata natin
Ay maagang nagtapos

Iniwan mo ang puso ko
Para mahalin ang tulad nya
Kinalimutan mo ako oh,,
Mula nung makilala mo sya
Ipinaglaban na kita
kahit na may iba ka na
( may iba ka na )
Mag mula nung iwan mo
Nasaktan mo ang puso ko
Nung sumama sa iba

Buburahin ko na lahat
Maging ang ala-ala mo
At pagkatapos ng lahat
Sana ay maalala mo
Na ang pag ibig ko ay tunay
At hindi ito huwad
Dahil lahat ng kahilingan
Mo ay aking tinupad
At bagkos na manghinayang
Ay tatanggapin ko na
Ang mapait na ala-ala mo’y
Tatanggalin ko na
Gusto ko nang
Makalimutan ang ating nakaraan
Nang ako ay makamove-on sa sakit na dinaan
Porket ba gan’to ako
At lamang sya sa itsura
Iniwan mo ako
At agad mong binasura
Ang gusot na relasyon ay
Tila di na matuwid
Kaya ang tinahak kong
Direksyon ay di ko matawid
Dulot mo ay kalungkutan
Natamasa ko ngayon
Mali pala ang inasahang
Nakilala ka noon
“Kala ko ika’y seryoso
At wala ka nang iba
Ngunit sinaktan mo ako,
Nung sumama sa iba,,,

Iniwan mo ang puso ko
Para mahalin ang tulad nya
Kinalimutan mo ako oh,,
Mula nung makilala mo sya
Ipinaglaban na kita
kahit na may iba ka na
( may iba ka na )
Mag mula nung iwan mo
Nasaktan mo ang puso ko
Nung sumama sa iba

Iniwan mo ang puso ko
Para mahalin ang tulad nya
Kinalimutan mo ako oh,,
Mula nung makilala mo sya
Ipinaglaban na kita
kahit na may iba ka na
( may iba ka na )
Mag mula nung iwan mo
Nasaktan mo ang puso ko
Nung sumama sa iba