Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (1 votes, average: 5.00 stars)
Loading...

Princesa – Gen-X Ft. T-Pain Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Princesa – Gen-X Ft. T-Pain

1st Verse:

namumugto saking mata mga luhang ayaw tumulo
sa iyong paglayo ang mundo ko ay biglang gumuho
humihinto ang oras ko sa tiwing naalalala
ang bawat ngiti yakap at tawa na ngayoy wala na
mga pangarap natin na bigla na lang nasayang
kada minuto nlng ako ay nanghihinayang
kandado saking puso nasa iyo lang ang susi
tama nga sabi nila na “sa huli ang pagsisisi”
nasaakin ka na nga hindi pa kita iningatan
hawak ko na kamay mo ngunit aking nabitawan
larawan mo na lang ang aking pinanghahawakan
pilit binubura ang sandaling ikay nagpapaalam
pano pa ko lalaya sa ganitong pagkakulong
kung pati ihip ng hangin ikaw ang binubulong
lahat sa buhay ko ay balot yong presensya
pano na ako ngayon kung wla na akong pincesa

2nd verse:

tuwing gabi daig ko pa ang litratong nakatulala
dahil hindi ko maalis pangalan mong nakapunla
dito sa aking puso ikaw ang laging naka ukit
nakamarka na ang lahat hanggang saking panaginip
ngunit ngayon dapat ng ibaon lahat sa limot
at gumising sa aking masalimuot na bangungot
salamat na lang ating mga pinagsamahan
kahit kalian alam kong di ko to mababayaran
patawad nga pla kung ako man ay nagkulang
sa naging relasyon natin marami akong natutunan
at di ko malilimutan ang mga pinagdaanan
simula ng makilala ka hanggang sa magpaalam kaya
aking wawasakin ang palasyong nasa hangin
at tuluyang tanggapin na hindi ka para sa aking
huwag kang magalala dahil palagi kong dala
alaala nating dalawa hanggang sa pagtanda

3rd Verse:

Ngayong iba na ang may hawak ng iyong mga kamay
Naway lahat ng hinahanap mo’y siya na ang may taglay
Sino ba naman ako upang ikaw ay hahadlangan
Makita lang kitang nakangiti di bale nang masakatan
Diba’t sabi nga nila kung mahal mo talaga
Gagawin mo ang lahat Makita lang syang Masaya
Kahit ang ibig sabihin nito’y ako ay magparaya
Tatanggapin ko ang lahat Makita lang kitang maligaya