Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (67 votes, average: 4.22 stars)
Loading...

Handog (Tatanda at Lilipas Rin Ako) – Florante Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Handog (Tatanda at Lilipas Rin Ako) – Florante

Parang kailan lang
ang mga pangarap ko’y kay hirap abutin
Dahil sa inyo
Napunta ako sa aking nais marating
Nais ko kayong pasalamatan
Kahit man lamang isang awitin

Parang kailan lang
Halos ako ay magpalimos sa lansangan
Dahil sa inyo
Ang aking tiyan at ang bulsa’y nagkalaman
Kaya’t itong awiting aking inaawit
Nais ko’y kayo ang handugan

Chorus:
Tatanda at lilipas rin ako
Ngunit mayro’ng awiting
Iiwanan sa inyong alaala
Dahil minsan tayo’y nagkasama

Parang kailan lang
Ang mga awitin ko ay ayaw pakinggan
Dahil sa inyo
Narinig ang isip ko at naintindihan
Dahil dito’y ibig ko kayong ituring
Na matalik kong kaibigan

Chorus:
Tatanda at lilipas rin ako
Ngunit mayro’ng awiting
Iiwanan sa inyong alaala
Dahil minsan tayo’y nagkasama

Tatanda at lilipas rin ako
Ngunit mayro’ng awiting
Iiwanan sa inyong alaala
Dahil minsan tayo’y nagkasama

Tatanda at lilipas rin ako
Ngunit mayro’ng awiting
Iiwanan sa inyong alaala
Dahil minsan tayo’y nagkasama

Videokeman Search