Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (1 votes, average: 4.00 stars)
Loading...

Bugtong-Bugtong – Florante Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Bugtong-Bugtong – Florante

May liwanag kung mayrong dilim,
may sagot kung may katanungan
May hangganan nga ba ang isip?
Bugtong-bugtong subukin kung itoy matutugon

Hindi hayop, hindi tao ngunit mayrong ulo
kadalasang kasama ay mga karpintero
At kung itoy ililibing sa kahoy o bato
kailangang pukpokin ng martilyo
Bugtong-bugtong subukin kung itoy matutugon

Hindi hayop, hindi tao mayrong butot balat
mahaba ang bituka at itoy lumilipad
Kapag hindi mahangin ito ay tinatamad
asahan mong ito ay sasadsad
Bugtong-bugtong subukin kung itoy matutugon

May dila nga ngunit ayaw namang magsalita,
kambal silat laging kasama ang isat isa
Itali o igapos kahit higpitan mo pa
tiyak silang sa iyo ay sasama
Bugtong-bugtong subukin kung itoy matutugon

Mayrong araw, mayrong buwan hindi naman langit
mayrong katapusan ngunit muling nagbabalik
Tumatanda ngunit isang taong gulang lagi,
wakas niya ay ipinagbubunyi

May liwanag kung mayrong dilim,
may sagot kung may katanungan
May hangganan nga ba ang isip?
Bugtong-bugtong subukin kung itoy matutugon
Bugtong-bugtong subukin kung itoy matutugon

Videokeman Search