Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (1 votes, average: 5.00 stars)
Loading...

Sabihin Mo Naman – Eurika Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Sabihin Mo Naman – Eurika

Ilang ulit pa ba akong dadaan?,
Kunyari laging may nakakalimutan
Para matanaw ka lang;

Kapag nakasalubong mo naman,
Sa gilid ng mata, ika’y tinitingnan;
Ikaw ba’y lilingon man lang.

Parang kulang ang araw ko ‘pag di ka nakita;
Puso ay parang sasabog ‘pag nand’yan ka.

Sabihin mo naman, ano ang dapat kong gawin
Para lang mapansin mo ang aking damdamin?;
Sabihin mo naman, hanggang kailan ko ba hihintayin?
Malaman kung ikaw din ba ay mayro’ng pagtingin;
Kung hindi man ngayon, sana’y malapit na;
Sabihin mo naman kung hiling ng puso ko’y may pag-asa.

Pilit mang ibaling sa iba,
Lagi nang sa isip ko ay naroon ka
At nagbibigay-saya;
Makita lang kitang nakangiti,
Ang lungkot na nadarama’y napapawi;
Ganyan ka lang sana lagi.

Parang kulang ang araw ko ‘pag di ka nakita;
Puso ay parang sasabog ‘pag nand’yan ka.

Sabihin mo naman, ano ang dapat kong gawin
Para lang mapansin mo ang aking damdamin?;
Sabihin mo naman, hanggang kailan ko ba hihintayin?
Malaman kung ikaw din ba ay mayro’ng pagtingin;
Kung hindi man ngayon, sana’y malapit na;
Sabihin mo naman kung hiling ng puso ko’y may pag-asa.

Sana man lang, iyong malaman
Ang lihim kong nararamdaman…

Sabihin mo naman, ano ang dapat kong gawin
Para lang mapansin mo ang aking damdamin?;
Sabihin mo naman, hanggang kailan ko ba hihintayin?
Malaman kung ikaw din ba ay mayro’ng pagtingin;
Kung hindi man ngayon, sana’y malapit na;
Sabihin mo naman kung hiling ng puso ko’y may pag-asa.

Sabihin mo naman…
Kung hiling ng puso ko’y. may pag-asa