Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (1 votes, average: 5.00 stars)
Loading...

H’wag Kang Bibitiw – Eurika Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of H’wag Kang Bibitiw – Eurika

Iguhit mo ang iyong pangarap
Habang ang liwanag ng araw ay natatanaw
Sige at hawiin ang tinik sa iyong mga landas
Nasa palad mo ganda ng ‘yong bukas.

Ang buhay ay sadyang makulay,
Tigib ng pagsubok ang mundong ating nagisnan
Ngunit ang sugat at hapdi na ating naramdaman
Ay siyang lunas upang maging matibay.

Chorus:
Ating umaga’y may hiwaga at ganda
Mithiin ng puso’y bukas madarama
Sa Maylikha, h’wag kang bibitiw
Pangarap mo’y mararating
Pinagmulan ay huwag mo lang limutin

Gawing ginto ang bawat oras
Ang mga mithiin, huwag nang ipagpabukas pa;
Bago dumilim ang langit, unos ay dumating,
Sumilong ka, sa Diyos ika’y kumapit.

Chorus:
Ating umaga’y may hiwaga at ganda
Mithiin ng puso’y bukas madarama
Sa Maylikha, h’wag kang bibitiw
Pangarap mo’y mararating
Pinagmulan ay huwag mo lang limutin

Chorus:
Ating umaga’y may hiwaga at ganda
Mithiin ng puso’y bukas madarama
Sa Maylikha, h’wag kang bibitiw
Pangarap mo’y mararating
Pinagmulan ay huwag mo lang limutin

Pinagmulan ay huwag mo lang limutin…