Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (No Ratings Yet)
Loading...

Himig Ng Pangarap – Eurika Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Himig Ng Pangarap – Eurika

Ang ihip ng hangin, pagpatak ng ulan
Ang agos ng tubig ay aking naririnig
Tinig ng ibon sa akin ay umaawit
Ang puso’t isip ko’y dinuduyan sa langit

Na tila ba isang himig
na siyang pumupukaw
sa natutulog kong daigdig

Chorus:
Ito ang himig ng pangarap
na nagbibigay pag-asa sa bawat isa,
Pagkat ang himig ng pangarap
na kayang abutin kahit na mga bituin
Ang himig ng pangarap

Saan man makarating ay lilingon pa rin
Sa agos ng buhay, dapat ay maging matibay

Ang buhay ay isang himig
Kapag naririnig, ang puso mo’y umaawit

Chorus:
Ito ang himig ng pangarap
na nagbibigay pag-asa sa bawat isa,
Pagkat ang himig ng pangarap
na kayang abutin kahit na mga bituin

Ang sinag mo’y nagsilbing liwanag
Sa ‘king landas na tinatahak
Upang aking makamit, minimithi kong pangarap
Sa himig na ito’y matutupad

Pagkat ang himig ng pangarap
na kayang abutin kahit na mga bituin

Chorus:
Ito ang himig ng pangarap
na nagbibigay pag-asa sa bawat isa,
Pagkat ang himig ng pangarap
na kayang abutin kahit na mga bituin
Ang himig ng pangarap