Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (3 votes, average: 4.33 stars)
Loading...

Di Mo Lang Alam – Eurika Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Di Mo Lang Alam – Eurika

I.
Di mo lang alam, na ako’y iyong nasasaktan,
sa tuwing ika’y di nakikita kahit isang araw lang

At di mo ba alam na ika’y aking minamahal kapag kasama
ka kapag kausap ka at kapag sa akin ay
ngumingiti lungkot ay napapawi

Chorus:
Sana sabihin na kung sa akin ay may pagtingin
sana ang ‘yong damdamin ay tulad ng sa akin din
h’wag na sanang patagalin kung ako ay mahal mo rin buong puso ko itong tatanggapin sabihin mo lang sa’kin

II.
Alam mo ba matagal na akong may pagtingin
nahihiya’t natatakot kung aking aaminin
aking napapansin na ikaw ay may nililihim
kapag kasama mo ako kapag kausap mo ako,
at kapag ako’y ngumiti mata mo’y nagniningning.

Repeat Chorus

At kung sakali man, ika’y may
alinlangan di mo lang alam,
at di mo ba alam?
tunay ang aking pagmamahal,
ako’y paniwalaan..

Repeat Chorus