Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (1 votes, average: 3.00 stars)
Loading...

Patawad Part 2 – Espada Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Patawad Part 2 – Espada

Sana’y patawarin mo ang isang katulad ko,
Sa pangalawang pagkakataon…

(1ST VERSE)
Jackpot:
Buhat ng makagawa ako ng kasalanang hindi mo makakalimutan, tumatak sa iyong isipan at tuluyan akong iniwan, at nilisan tinalikuran ang pangakong may basbas, patawad sa pag-ibig mo na nagkalamat at gasgas, Siguro nga wala ng katiyakan ang maibalik ko ang kasiyahan, dahil winalang bahala ko ang relasyon na iyong pinakaiingatan, di ako naging magandang halimbawa, inalipin ka’t kinawawa, ilang beses kang pinaluha at ako sayo di naawa, hindi ako naging matatag sa relasyong agad kong binitawan, pinasakay kita sa mga salitang pangakong di kita iiwanan, pag-ibig mo ginawa kong laro di ko binigyan halaga, sobrang sakit ang nadama mo sa’kin, patawad talaga…

Popcee:
Di ko na maibabalik pa, mga pagkakamali kong ginawa, pinangakuan kita na ika’y pipiliin kahit ika’y pangalawa, ngunit may sabit di makakapit di ko mahawakan ang tulad mo, biglaan kana lamang nilisan kahit may laman ang sinapupunan mo, ipinagbabawal, di nararapat, isang malaking kasalanan ‘to, yan ang mga katagang binitawan sa huling sandaling kasama mo ako, di na malaman ang gagawin ko, pa’no mo na nga ba ako papatawarin, dadasalan ko na lahat ng santo, sana matupad aking mga dalangin, na sa umaga pati sa gabi, luha sa mata mapalitan ng ngiti, makamtan ang mga kasiyahan, mawakasan ang hirap at ang pighati, na dinulot ng katulad ko, na di naman sa’yo nararapat, sana’y dumating na ang panahon at ako ay iyo ng mapapatawad…

(CHORUS)
Uno:
Nililipad ang isip ko… tangay-tangay ang bawat ala-ala mo, nagdarasal nananalangin na sana’y muling patawarin…

Dhonmez:
Sana’y patawarin mo ang isang katulad ko, sa pangalawang pagkakataon… Sana’y patawarin mo ako…

(2ND VERSE)

Eikam:
Luha mo’y muling pumatak, umiyak ka nanaman sa piling ko, hindi ko kayang maging tapat sa isang martir na kagaya mo, sa ikalawang pagkakataon inabuso ang kabaitan mo, taluwas tumugon sa mga gusto’t kahilingan at mga payo mo, sadyang napakalikot ng tadhanang ating nilakaran, masalimuot ang bawat kabanata na aking sinang-ayunan, sumbatan na di mapigilan, sakitan na di maiwasan, na pangunahin na sanhi kung bakit kailangan ko ng lumisan at kalimutan ang sumpaan magsasama hanggang wakas, sapagkat hindi ko na kayang ituloy ang samahan nating kupas, kapatawaran aking sigaw, siguro nga hindi ikaw, hanggang dito nalang paalam, kailangan ko ng bumitaw…

Shin:
Patawad nanaman ba aking hinihingi sayo, Walang sawa sa pagtatalo’t puro sugat tinamo, ng puso mong hindi na mabilang kasalanan kong nagawa, palagi ka nalang nasasaktan kaya’t ika’y nagsawa, isang gabing payapa umalis hindi na nagpaalam, lumayo ka ng biglaan at hindi nag agam-agam, sa paglisan mong iyon doon ko lamang naranasan maitamang kamalian at ako ay matauhan, pero tila malupit yata sa akin ang tadhana, gustuhin ko mang bumawi ngunit luha’y natuyo na, nahuli na ba ako? naubos na iyong pasensya, patawarin mo ako Kahit lahat ay huli na…

(REPEAT CHORUS) (BRIDGE)

Uno:
Mapapatawad mo pa? katanungan ng puso ko, ito’y nagsusumamo na… magbalik sa piling mo… muling maghawak ng kamay, anumang tahakin ay sabay, sana’y muling pagbigyan mo… patawarin mo ako…

Dhonmez:
Kasabay ng pagtitig sa iyong mata, hindi ko maiwasang ako ay mapaluha, pag-naaalala kasalanan kong nagawa, at pag-naaalala kong ika’y ngumangawa, ako ay naaawa, dulot sa kanyang damdamin, hindi ko man maamin pero gusto kitang patahanin, hindi ka man maniwala sa’king nilalahad, huling tanong sayo ako ba ay mapapatawad, patawad…

(REPEAT CHORUS 2x)

Videokeman Search