Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (1 votes, average: 4.00 stars)
Loading...

Paano Kaya? – Espada Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Paano Kaya? – Espada

1ST VERSE: (Uno)
Paano ko ba maibabalik?
Ang masasaya na sandali
Kelan ba muli pang dadampi?
Ang matatamis mong labi…
(Dinggin sana tinig ko)
Ako’y muli mong pagbigyan
Pangakong di na sasaktan at di na iiwan…

Di na maglalaho ala-ala mo,
Umaga man o gabi, alintana ko
Pilit mang limutin ngunit ito’y di ko magawa
Sa pag-iisip sayo ako’y napapatulala
Aligaga, pa’no kaya?
Sigaw ng puso ko ikaw parin walang iba
Kaya’t sabihin sa’kin kung ako’y mahal mo pa
upang matuldukan ang katanungan kung… (Pa’no Kaya?)

CHORUS: (Dhonmez)
Pa’no ko ba maibabalik ang ‘yong pagmamahal?
Pa’no ko ba maibabalik tawanang walang humpay?
Pa’no? pa’no? Papaano? pa’no? Papaano? pa’no? Papaano kaya? (2x)

2ND VERSE: (Duke)
Pa’no ko mababalik ang mga sandali na
walang ibang inaalala kundi tayong dalawa
Anung kailangan kong gawin upang muli mong mahalin
uulitin ba manligaw at ika’y lalambingin?
Nakatingin sa wala, biglang natutulala
nag-iisip ng mga paraan para makuha kitang muli
Alam kong may iba kana, Sana kahit sandali mapasaakin at palarin na

Ako’y makabalik, makahalik, makatabi at makahawak, makayakap, makatitigan
Muli mo sanang pagbigyan
mga iniwan na puwang, mga dating pagkukulang ay aking muling mapunuan
Kilay mo ay salubong habang ako’y pasulong
dahan-dahan lumalapit ba’t ka ba paurong?
Teka muna sandali gusto ko lang ibulong
na mahal parin kita may pag-asa pa ba?

(Repeat Chorus)

3RD VERSE: (Jackpot)
Saan ko ba hahanapin ang pagmamahal mo sa’kin?
Ganitong wala kana, wala na ang lahat sa atin
Di na ata dadampi ang labi mo sa labi ko
Di ka na naniniwala sa mga sinasabi ko
Pag-asang inaabangan, palaging kinakabahan
Paano ka ba babalik? sa kanta ko idinaan
Baka sakaling marinig mo ‘to, magbago ang iyong isip
Babalik ka sa’king piling nang hindi ka pinipilit

Ang tanong ko lang naman sa’yo sa panong paraan
Kung ang pagbalik mo sa’kin nakalimutang tandaan
May iba pa bang daan para muli ka mahagkan?
masilayan kang muli, sana muli mong pagbigyan
Sana muli kitang matignan, kahit di ka matikman
Ang gusto ko lang naman ay ako’y iyong balikan
Huwag ng magdalawang isip bumalik sa piling ko
dahil ang pagbalik mo sa’kin yun lamang ang hiling ko…

(Repeat Chorus)

Videokeman Search