Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (2 votes, average: 3.00 stars)
Loading...

Pariwara – Ely Buendia & Itchyworms Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Pariwara – Ely Buendia & Itchyworms

Kung maniniwala ka na lang sa kanila
Pare-pareho tayo na walang magagawa

Pariwara, tawag satin ng madla
Mga walang hinaharap
Pariwara, di manlang kumukurap
Bakit ka ba nabibigla

May mga taong galit sa sinag ng araw
At kahit mumunting saya ay ayaw matanaw
Buong mundo’y humihiyaw

Ngunit di tayo, di tayo titiklop
Ohhh di tayo, di tayo titiklop
At lahat ng hadlang sa ating pagmamahalan
Balang araw ay maiintindihan

Balewala, bilin ng matatanda
Wag na wag ka ng magtataka
Batang gala, tayo sa tingin nila
Biglang mawawalang parang bula

May mga taong tumatandang walang saya
Mga munting pangarap ay nilimot na nila
Utak nati’y sinasara

Ngunit di tayo, di tayo titiklop
Ohhh di tayo, di tayo titiklop
At lahat ng hadlang sa ating pagmamahalan
Balang araw ay maiintindihan

Kung maniniwala ka na lang sa kanila
Pare-pareho tayo na walang magagawa

[Instrumental]

May mga taong galit sa sinag ng araw
At kahit mumunting saya ay ayaw matanaw
Buong mundo’y humihiyaw

Ngunit di tayo, di tayo titiklop
Ohhh di tayo, di tayo titiklop
At lahat ng hadlang sa ating pagmamahalan
Balang araw ay maiintindihan

At lahat ng hadlang sa ating pagmamahalan
Balang araw ay maiintindihan
Balang araw ay maiintindihan