Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (No Ratings Yet)
Loading...

Abangan – Ejac Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Abangan – Ejac

1st Verse:

Kamusta!?
Kami ang mga Pagbabago
sa mga sari saring tanong ng mga Tao.
Pa’no?, Bakit? , Sino? , Nasa’n?
ang mga sagot sa lihim ng Kaligtasan.
Uh Ang Sikreto’y Disenyo rin,
Balanseng nasa sentro ng likha ko bilang Elohim.
gamit ang isipan at nadarama.
pinalaya ang pagtatakang aking dinadala.
Nakita ng mata kung ano ba talaga
ang Buhay sa likod na tinakpan nila ng maskara.

Ang ulap sa kalangitan ay umaalon,
tumitingkad ang kulay sa liwanag na pinatong,
kumakaway sakin ang mga dahon,
Ang araw ngayon ayoko ng maging kahapon.

Bagong panahon na naman. Ako’y Bago na.
Pana-panahon lang yan, Bagong Era na..
Teka lang, pahinain mo ang hangin mo
hindi naman palaging kabute ang kinakain ko,
wag mo ‘kong pasikatan sa dilim ng kayabangan mo,
wag mo ng laliman ang rason ng kababawan mo.
sundan mo ang linya sa paglalakbay ng diwa,
mainit ang nadarama sa malamig na klima,
lumilipad sa bukirin ng kabute sa Vista,
gumaganda ang pasok sa papalapit na Libra.

uh ang daming dapat abangan.
Simple ang hindi pangkaraniwang inaalam,
Ako’y pastol ng tupang magtuturo ng daan,
Taga lupa’y maghanda kayo’y aming lalapagan.

Hook:

Abangan nyo na lang… Kayo’y aking lalapagan..
Abangan nyo na lang… Kayo’y aming lalapagan..

2nd Verse:

Reyalidad at Ilusyon, Hawak ko na mismo.
sa gitna ng dalawa ang aking paraiso,
ako’y naliwanagan sa bahagi ng talino’t,
kung minsan ‘di ko na makita ang aking anino.
ako’y nakalambitin sa puno ng pagtataka’t
may hawak na Balanse ang nakapiring mga mata..
Ang nakapiring mga mata..
alam mo na..

Kaya magtiwala pag sinabi kong bahala na,
ako’y wala sa mapa ng isipan mo kung nasan ka,
malayo na sa lalim ng taas kong binabawan na,
Ako ang katunayan ko na may napatunayan na.
Ang aking pang-unawa ay kung pa’no ko sabihan ka,
mabigat na magaan ang linya pag kinumpirma.
Naiiba.. Ayoko ng makipaglaban pa.
Hanggang dito na lang muna.. Paalam na.

Abangan na lang…

“BALANSE”

Abangan na lang…

Related Searches