Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (2 votes, average: 3.50 stars)
Loading...

Hanggang Wala Nang Bukas – Ebe Dancel Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Hanggang Wala Nang Bukas – Ebe Dancel

wooh oh wooh oh wooh oh ho
wooh oh wooh oh wooh oh ho

Ikaw ang tahanan ng aking puso
Ang puno’t dulo ng buhay ko
Mangangarap hanggang makakayanan
Mananaginip hanggang kamatayan

Hanggat maari iiwas sa dahas
Ngunit kung kailangan
Buhay ko ma’y kabayaran

Para makita kang malaya
At umibig ng payapa
Mabuhay sa mundong itong
Ligtas sa takot at gulo
Ang makita kang malaya
Ang nag iisang panata
Yayakapin, mamahalin kita
Hanggang wala nang bukas

Magtagumpay man o ikamatay
Hahagkan ang gabing walang katiyakan
Ito ang pinili kong buhay
Ibigin kang buo at tunay

Hanggat maari iiwas sa dahas
Ngunit kung kailangan
Buhay ko ma’y kabayaran

Para makita kang malaya
At umibig ng payapa
Mabuhay sa mundong itong
Ligtas sa takot at gulo
Ang makita kang malaya
Ang nag iisang panata
Yayakapin, mamahalin kita
Hanggang wala nang bukas

Hanggang sa huli
Ako’y nasa iyong tabi
Hanggang sa huli
Pangalan mo pa rin sa aking mga labi