Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (1,786 votes, average: 4.78 stars)
Loading...

Huwag Siya – Donnalyn Bartolome Ft. Shehyee Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Huwag Siya – Donnalyn Bartolome Ft. Shehyee

Huwag Siya…
Huwag Siya…
Huwag Siya…
Huwag Siya…

Kapag umiiyak siya, agad nandiyan ako
Di mo na kasi machecheck ang cellphone mo
Dahil ang tulad mo, mas pipiliing maglaro nang kung anu-ano

Alam ko ang gusto ng isang babae
Dun pa lang, wala ka na sa akin masasabi
Mas kaya ko siyang alagaan kaysa sa’yo
Tulad’pag kailangan niya ng pads, may extra ako

Sige, andiyan nga si Donna kapag iiyak ka
Pag kay Shehyee ka, hindi ka na iiyak pa
Kaya kung ako sayo, sumama ka sa akin
Lumuha ka man, ‘yun ay tears of joy na kung tawagin

Okay ang babae pero darating ang araw sasakit ang ulo mo lalo
‘pag pareho kayong may dalaw
eh di giyera
di ba? parehas lang kayong kawawa
Kaya sakin ka na lang kasi pasensiya ko’y mahaba

Pag-isipan mong mabuti lahat
Ang ibibigay ko’y higit pa sa sapat
Kitang-kita namang mas karapat-dapat ako
Ako ang tunay na nababagay sa’yo

Kaya huwag siya, huwag siya, ‘di ko alam
kung bat kasali pa siya sa pagpipilian
Lahat nang kaya ko, ‘di niya kayang punan
Iiwanan ka lang niya na’ng luhaan

Huwag kang maniwala sa iba, maniwala ka sa akin
Magkakaroon lang ako nang ibang babae kapag girl ang baby natin
Pati sa sinasabi nilang ika’y iiwan – hindi – matigas ang aking paninindigan
Kaya please lang, ako ang mas bagay sa kanya
Lalaki ako, babae siya – mas bagay talaga
Kaya kung ako sa’yo, sumuko ka na
Bahala ka, baka mapasubo ka pa

Mas gusto ako ng parents niya
Dahil ang mukha mo daw kasi, ‘di katiwa-tiwala
At tsaka books before boys because boys bring babies
Kaya for now, I’m the best choice for the ladies
Type ko din ang mga damit na gusto niya,
kaya tuwing magshoshopping, natutulungan ko pa siya
Hindi katulad mo, boy, manahimik ka diyan
Mga pambobola mo na bulok, itapon na ‘yan

Pag-isipan mong mabuti lahat
Ang ibibigay ko’y higit pa sa sapat
Kitang-kita namang mas karapat-dapat ako
Ako ang tunay na nababagay sa’yo

Kaya huwag siya, huwag siya, ‘di ko alam
kung bat kasali pa siya sa pagpipilian
Lahat nang kaya ko, ‘di niya kayang punan
Iiwanan ka lang niya na’ng luhaan

If I were you, I’d choose me
‘Cause I’m for you, obviously
Pareho tayo nang interes sa buhay, yes
Goodbye ka na sa lahat ng stress na nakakaumay
Pero diba- shut up please
oh, that’s another reason
when you talk, I won’t cut you ’cause I know how to listen
At saka, isa pa – Donna, time! – may sasabihin pa ako

Hayaan na natin siya maghusga
Oh sige, itigil na natin ‘to
Iiwanan na namin ang desisyon sayo
Pag pinili mo siya at nagkamali ka
Wag kang magtataka kung ang maririnig mo sa akin ay
told you so, nakinig ka ba?
Di ako paulit-ulit mangangako, sinta
Dahil hindi ako ‘yung tipo na puro lang salita
Pag sa akin ka um-oo, ‘saka ko sayo ipapakita
Tunay na ibig sabihin ng mahal kita

Pag-isipan mong mabuti lahat
Ang ibibigay ko’y higit pa sa sapat
Kitang-kita namang mas karapat-dapat ako
Ako ang tunay na nababagay sa’yo

Kaya huwag siya, huwag siya, ‘di ko alam
kung bat kasali pa siya sa pagpipilian
Lahat nang kaya ko, ‘di niya kayang punan
Iiwanan ka lang niya na’ng luhaan

Pag-isipan mong mabuti lahat
Ang ibibigay ko’y higit pa sa sapat
Kitang-kita namang mas karapat-dapat ako
Ako ang tunay na nababagay sa’yo

Kaya huwag siya, huwag siya, ‘di ko alam
kung bat kasali pa siya sa pagpipilian
Lahat nang kaya ko, ‘di niya kayang punan
Iiwanan ka lang niya na’ng luhaan