Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (1 votes, average: 2.00 stars)
Loading...

Awit Ng Kambing – Dong Abay Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Awit Ng Kambing – Dong Abay

halikayo magsilapit
kahit na po ilang saglit
pakinggan nyo itong awit
na di na mauulit

pero wag pong magagalit
sa mga iguguhit
ang hagupit na sinapit
mapait masakit malupit

si juan ay seaman na nagbalik-bayan
pagkatapos ng siyam na buwan
inabutan sa tahanan
matalik na kaibigan
katalik ng kanyang asawa
naghahalikan pa sila
si juan ay napamura
sa impyerno kayo magsama
di nakapagpigil, gigil na gigil
walang tigil pinagbabaril
sa bandang huli
sarili ang binaril

trahedya 2x

halikayo magsilapit
kahit na po ilang saglit
pakinggan nyo itong awit
na di na mauulit

pero wag pong magagalit
sa mga iguguhit
ang hagupit na sinapit
mapait masakit malupit

si nene’y ginagahasa
mula pagkabata ng ama-amahang siga
nang isang gabi
pinagtangkaan muli siyang pagsamantalahan
ayoko ko na
di ko na kaya
kaya si nene ay nanlaban

hayop na hayok
tinaga ng gulok
binuhusan ng gas
saka sinilaban
isa si nene sa
nasunog sa looban

trahedya 2x
adlib
trahedya …