Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (14 votes, average: 5.00 stars)
Loading ... Loading ...



Lyrics of Pakisabi Nalang – Dello

Wala akong maisip na paraan para masabi ko,
Na may pagtingin ako, pero dati ay wala ito,
Dati ang tingin ko, ordinaryo na babae to,
Pero pagbukas ng puso ko, pangalan nya ang narito,

Ngayon panu nga ba to, hindi naman sya sakin,
Kaya di ko din maamin, at kaya nagmantya sakin,
Ang katotohanan na, minamahal nya ay iba,
At ang pag-asa ko na, parang iginuhit lang sa hangin

Ang damdamin na alam kong di naman magiging tama,
At mukhang si kupido sa puso ko mali yung pana,
Dahil di ko inakala na mahulog, at bigla na,
Nagmahal ako sa kanya at di ko alintana,

Kahit na masaktan pa ko, dahilan ko ba’y sapat
Kasabihan daw sa pag-ibig, hahamakin ang lahat,
Pero walang lakas-loob para sa kanya pa ko magtapat,
Ang dami ngang babae dyan, sa kanya pa ko natapat,

Huli na nga ba ang lahat, sa tsansa kulang ba ko?
Ito lang ang paraan na naisip ko kung paano,
Maipaalam sa kanya to, tandaan nya sana to,
Pakisabi to, pinasasabi ko lang kamo.

Paki sabi na lang na mahal ko siya
Di na baleng may mahal siyang iba
Paki sabing ‘wag siyang mag-alala
Di ako umaasa
Alam kong ito’y malabo
Di ko na mababago
Ganun pa man paki sabi na lang

Pakisabi na rin, hanggang ngayon hindi pa rin sanay,
Ang sarili ko na wala sya, kaya kung minsan ay,
Ako ay alangan, parang ayaw ko pang bitawan
Ang rosas kahit mga tinik, tumusok na sakin kamay,

Pero kailangan, at kahit ikaila man,
Na kahit nagkailangan, sya lang tanging yaman
Kung sana ay sakin lamang, at nandito sya sa piling ko,
Kahit ano sapitin ko, sya ay ipaglalaban,

At hindi pababayaan, at hindi ko hahayaan,
Na hapdi ang maranasan, at lagi na sasamahan,
At lagi nasa tabi, gabi gabi, mga ngiti,
Ang papawi sa kanyan pangambang baka ko sya iwanan,

Pero tila ba pangarap, na sa ulap di mahanap,
Panu ko padadama, e ni hindi ko nga mayakap
At hindi ko naman hawak ang pagmamahal nya at,
Kahit sakin sya na ang lahat, hindi ko makausap,

Para ito’y aminin, di ilihim at sabihin,
Na kahit nasaan ako, lagi pa rin syang iisipin,
At lagi syang iibigin, sa buong buhay ko,
kaya tong awit na alay ko, pakisabi na galing sakin.

Paki sabi na lang na mahal ko siya
Di na baleng may mahal siyang iba
Paki sabing ‘wag siyang mag-alala
Di ako umaasa
Alam kong ito’y malabo
Di ko na mababago
Ganun pa man paki sabi na lang

Paki sabi na lang na mahal ko siya
Di na baleng may mahal siyang iba
Paki sabing ‘wag siyang mag-alala
Di ako umaasa
Alam kong ito’y malabo
Di ko na mababago
Ganun pa man paki sabi na lang

Videokeman Search