Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (19 votes, average: 4.79 stars)
Loading...

Dalampasigan Ft Ynnah of Mongol Unit – Dello Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Dalampasigan Ft Ynnah of Mongol Unit – Dello

Chorus:
Ahhhhhh… dalampasigan, aaaah… naglalakad…. sa dalampasigan…
(Sana maalala mo… Sana makilala mo…)

1
Magkasabay na naglalakad sa dalampasigan,
Nagkukwentuhan, dalawang magkaibigan,
Mga paksa na kung ano ang maisipan,
Nagtatanungan kung ano ang kahilingan,

Ang sabi ko hiling ko lang, magkaron ng tyansa,
Na yung kalsada’ng malubak, magkaron ng plantsa,
Para maging patag, saka magkaron ng plaza,
At ang ulam ng mahirap, magkaron ng lasa,

Sabi mo, ang gusto mo, para din sa bayan,
Wag mapabayaan, ng maginhawahan,
may tulong na nakaabang sa napinsalaan,
dapat na magkaisa, wag maging gahaman,

Tayo ay natutuwa sa ganung usapan,
Na itutuloy natin sa kinabukasan,
Sa una ay mga biruan, saka tawanan,
Unti unting lumalapit sa katotohanan.

2
Isang araw nagpaalam ka, ikaw ay aalis,
Dahil ang iyung magulang nadestino sa paris,
Kahit nakakainis, ito ang aking nasabi
Wag mo kong kalimutan at mag ingat ka palagi.

At ng ikaw nga aw wala, parang ang daming nag-iba
habang namamasyal sa dalampasigan mag isa,
sa paulit ulit na kwentuhan natin dalawa,
Halos bawat nalitanya mo ay aking kabisa,

At balita ko nag-aral ka ng madaming kurso,
Habang ako di nakatapos, nagtrabaho ng husto,
Dahil kami mahirap lang, kahit hindi ko man gusto,
Nagtitiis na lang ako kahit masungit ang boss ko,

May mga araw na nag-iisp ako tungkol sayo,
Siguro ay punong puno na nga ngayon yung bulsa mo,
Estado man magkalayo,na kung ating susukatin,
Sana matuloy yung dati pag uwi mo dito satin,

3
pagkatapos ng ilang taon, ilang dekada,
akoy nagtityaga pa din mag ulam ng delata,
habang ikaw naman, panay na lang ang paghilata,
kilala mo pa ba ako? mukhang di yata,

dahil baka sa dami ng trabaho sa senado,
kaya bihira ka na din na mapunta sa baryo,
balita ko takot ka sa madungis at mabaho,
para bang prinsipyo mo, unti unting nabago,

dahil ang taas mo na, parang di ka maabot,
mga kayang mong bigay, bakit pinagdadamot?
at ngayon ang kahirapan kaya mo ng magamot,
tinanong ko plano mo? hindi mo ko masagot?

parang nag-iba ka na, parang di na kilala,
kaya sa dalampasigan muli kitang dinala,
kung saan mga pangarap natin dun nagsimula,
tapos yumakap ka sa akin at bigla ka naluha.

Videokeman Search