Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (29 votes, average: 4.86 stars)
Loading ... Loading ...



Lyrics of Bakit Nga Ba Mahal Mo Ako – Dello

Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo?
Na kung magmamahal ka wag na ako
Masasaktan ka lang sakin
Alam mo kung bakit ?

Verse1:
Ang pag-ibig mo sa akin ay walang patutunguhan
barumbado ang puso ko at hindi matuturuan
Na umibig ng tapat pagkat lahat sa’kin laro lang
At ako ang prumotor pagdating sa kagaguhan
Kasagutan ang tanong kung pano ba ko magmahal
Kalabuan ang tugon hindi makuha ng dasal
Hindi makuhang magpigil aking mukha sa pagkapal
Sa una lang bumabait nadedemonyo pagtagal
Ayokong masaktan kita kaya layo ka na sa akin
Madami dyan iba kasi ayoko na danasin mo
Sa piling ko aminin ko mahal kita e di rin to malulutas
Makinig ka nga sa sasabihin ko iwanan mo ko gaga sakin di ka liligaya
Dahil hindi ako kagaya ng iba hindi ko kaya
Na baguhin ang sarili gusto ko’y maging Malaya
Sadyang mapaglaro ang puso ko’y naging madaya
Sa babaeng pinaluha gusto mo pang mapabilang
At kung gagawin sa’yo para sakin madali lang
Pero pag ginawa ko sakin meron ding sakit
At bakit meron ding paet teka para bang mali ang mga nararamdaman
E tangina naman kasi nagmamahal ka ng lalaki na wala naman paki
Ibaling mo ang pagtingin pilitin mong hindi ako
Kung may pusong mabibigo ang gusto ko hindi sa’yo
Kasi di ka na din iba sana makaintindi ka
Ginagawa ko ‘to kasi minamahal na rin kita
(kaya sige na iwan mo na ko, bakit ba minamahal mo pa ko?)

Chorus:
Bakit nga ba mahal kita
Kahit di pinapansin ang damdamin ko
Hindi mo man ako mahal
Heto pa rin ako
Nagmamahal ng tapat sa’yo
Bakit nga ba mahal kita
Kahit na may mahal ka nang iba
Bat baliw na baliw ako sa’yo
Hanggang kaylan ako magtitiis
O bakit nga ba mahal kita

Verse2:
(May tanong lang ako ah)
Hapit ka ba sa pagibig kaya pilit kang nabalik
At nahalik kahit na sakit lang ang kapalit
O manhid ka lang kaya ‘di mo mabatid
Na oo nga mahal kita pero bilang kapatid
Kapit ka nang kapit kahit wala ka nang makakapitan
Lapit pa nang lapit wala na bang malalapitan
Hindi na kita love kaya tama na kadramahan
Pwede parehab ka na lala na ang katangahan
Bakit mo ba binatak at tinulak kong droga
Kahit alam mo lahat ng sinulat kong obra
Ay bola lang at boka lang upang makuha ka
Bat ka nagadik kay zikk ayan tuloy naloka ka
Naknangtupa ka
Daig mo pa ang tagahanga
Nakahawak sa pangarap na tayong nakatadhana
Salamat sa lahat pero patawad pa rin
Pagkat magkaiba na ang nakaguhit sa palad natin
At yung balak natin na nung una’y makasal
Mangyayari pa rin yun pero wag kang maasar
Kung hindi ikaw yung babaeng gusto kong makatabi sa altar
Alam mo ba kung bakit kasi di na kita mahal
Kaya bakit di ka na lang makinig sa aking payo
Lumayo ka na at Malabo na na maging tayo
Kasi may mahal na ako at hindi ikaw yun
At kahit anong gawin mo hindi ako bibitaw dun

Chorus:
Bakit nga ba mahal kita
Kahit di pinapansin ang damdamin ko
Hindi mo man ako mahal
Heto pa rin ako
Nagmamahal ng tapat sa’yo
Bakit nga ba mahal kita
Kahit na may mahal ka nang iba
Bat baliw na baliw ako sa’yo
Hanggang kaylan ako magtitiis
O bakit nga ba mahal kita

Repeat Chorus