Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (117 votes, average: 4.50 stars)
Loading...

Araw-Araw – Dello Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Araw-Araw – Dello

Lunes ng umaga papuntang opisina
Habang nabibingi sa ingay ng mga busina
Sa gitna ng kalye, habang bumibiyahe,
Sakto lang ang pera pangkain at pamasahe
Tipikal na buhay ng pinoy araw-araw,
Kailangan ko itong gawin,
di pwedeng ayaw-ayaw
Dahil ang bulsa ko ay di pa napapaapaw
Sana kahit paano, ako ay makahataw
Pursigido’ng umangat,
inuunti-unti ko Matipid na iniipon,
ultimo sukli ko Bilad na nga sa araw
ang pagka-kayumanggi ko,
Balat kakulay na ng tuhod ko saka ng siko
Pero tuloy sa paglayag, tuloy sa pagsawan,
Para ang bulsa saka ang aking tiyan ay malagyan
Kahit na ang aking sweldo parang mens lang
Tatlong araw lang tinatagal nito kada buwan
Tatlong araw lang pala ako nagging maligaya

Chorus 1
Araw-araw, paulit-ulit,
hanggang sumapit ang gabi. Araw-araw, paulit ulit,
bukas ay ganun muli… Araw-araw, paulit-ulit,
hanggang sumapit ang gabi. Araw-araw, paulit ulit,
bukas ay ganun muli…

Pambayad ko sa upa, tubig at kuryente,
Sa ngayon tuyo na lang mabibili nung bente
Pagkasyahin kung pwede o meron natira
I-sigang ko yung tuyo, para medyo maiba
Ang pambayad ng matrikula dapat itabi ko na,
Sa ganitong estado na mahirap i-manipula.
Bawal ba magpahinga?
Dapat na gawin ko na Pumasok kahit petsa
Sa kalendaryong maging pula Kase ay double pay,
ganun pag holiday Kayod
kahit mamuti buhok na parang anime
Isipin ang ngayon, yung bukas ay saka na,
Kung bukas ay lagas, o baka maging sagana
kaya sana Medyo mag-iba ang kapalaran
Mapanatag ang lubak sa daa’ng nilalakaran
Ang buhay ko ay parang libro lamang na sa bawat pahina,

Paulit-ulit ang mga larawan Chorus 1 Araw-araw, paulit-ulit,
hanggang sumapit ang gabi. Araw-araw, paulit ulit,
bukas ay ganun muli… Araw-araw, paulit-ulit,
hanggang sumapit ang gabi. Araw-araw, paulit ulit,
bukas ay ganun muli…

Araw-araw halos lahat ng kayod ginawa,
Kung paulit-ulit ay nakakapagod din pala
Bisyo ko na yata ang palagi’ng humiling
Mula pagsikat g umaga,
hanggang sa dumilim Araw-araw halos lahat ng kayod ginawa,
Kung paulit-ulit ay nakakapagod din pala
Bisyo ko na yata ang palagi’ng humiling
Mula pagsikat g umaga,
hanggang sa dumilim Pero pagsapit ng gabi,
lumiliwanag nang muli
Basta ikaw ang katabi nasisilayan ang ngiti
Inaalis mo ang lungkot,
ang pagod ko at pighati Pinawi mo ng kay dali kaya…

Chorus 2
Araw-araw, paulit-ulit, ngayon wala na ko’ng paki.
Bawat -araw, sinusulit, basta ikaw ang katabi. Araw-araw, paulit-ulit,
ngayon wala na ko’ng paki. Bawat -araw, sinusulit,
basta ikaw ang katabi. Araw-araw, paulit-ulit,
ngayon wala na ko’ng paki. Bawat -araw, sinusulit,
basta ikaw ang katabi.

Videokeman Search