Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (79 votes, average: 4.67 stars)
Loading ... Loading ...



Lyrics of Ako’y Sayo at Ika’y Akin Lamang – Daniel Padilla

Ikaw na ang may sabi na ako’y mahal mo rin
At sinabi mong ang pag-ibig mo’y ‘di magbabago
Ngunit bakit sa tuwing ako’y lumalapit ika’y lumalayo
Puso’y laging nasasaktan pag may kasama kang iba
‘Di ba nila alam tayo’y nagsumpaan
Na ako’y sa iyo at ika’y akin lamang

Kahit anong mangyari ang pag-ibig ko’y sa ‘yo pa rin
At kahit ano pa ang sabihin nila’y ikaw pa rin ang mahal
Maghihintay ako kahit kailan
Kahit na umabot pang ako’y nasa langit na
At kung ‘di ka makita makikiusap ka’y Bathala
Na ika’y hanapin at sabihin, Ipaalala sa iyo ang nakalimutang sumpaan
Na ako’y sa iyo at ika’y akin lamang

Oh…..
Umasa kang maghihintay ako kahit kailan
Kahit na umabot pang ako’y nasa langit na
At kung ‘di ka makita makikiusap kay Bathala
Na ika’y hanapin at sabihin, Ipaalala sa iyo
Ang nakalimutang sumpaan
Na ako’y sa iyo at ika’y akin lamang

Oh…..
Umasa kang maghihintay ako kahit kailan
Kahit na umabot pang ako’y nasa langit na
At kung ‘di ka makita makikiusap kay Bathala
Na ika’y hanapin at sabihin, Ipaalala sa iyo
Ang nakalimutang sumpaan
Na ako’y sa iyo at ika’y akin lamang

Videokeman Search