Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (No Ratings Yet)
Loading...

Wag Muna Ngayon – Curse One Feat. Lux Breezy & Malabon Thug Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Wag Muna Ngayon – Curse One Feat. Lux Breezy & Malabon Thug

Hindi ko akalain ang isang magandang panaginip ay isusumpa ko sa bandang huli
Isang bangungot para sakin na malaman na nagkikita pa kayong dalawa hindi makapakali
Ang aking isipan ay bigla nalang nalunod sa mga katanungan ko na kung bakit ba
Bakit ba niloko mo ko,bakit ba nagawa mo ‘to
Bakit ba kailangan na iparamdam mo pa sakin ang sakit na
Halos hindi ko makayanan lalo nang ika’y aking tawagan tapos ibang lalake naman sumagot
Tapos ang sabi nya sa akin ikaw daw ay natutulog dyan tabi nya ako ay napasimangot
Biglang napatigil pakiramdam ko’y wala nang ganang huminga
Bawat oras ay parusa para sakin tapos gusto mo agad na mapatawad ka
Ano ba hindi yun ganun kadali mahal kita kaya wag kang magmadali manhid ka ba
Hindi mo ba alam kung ga’no kasakit pag nalaman mo na merong kaapid (F*ck)
Hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko
Hindi sumapat ang tapang ko para harapin ko
Ang katotohanan na meron ka pang iba alam mo na hindi ko kayang tiisin ‘to
Gusto ko na sabihin sayo nang dahan-dahan na ikaw ang babaeng di ko kayang iwanan
Kung hindi man kita kausapin ngayon wag mag-alinlangan
Kasi mahal pa rin kita kahit may nagawa kang kasalanan
Gusto ko na malaman mo na walang yaman na kayang tumapat sating tunay na pagmamahalan
Nakagawa ka nang kamalian pero hindi naman ibig sabihin non
Na hindi mo kayang itama ang lahat papatawarin naman kita pero wag ngayon…

Anong saya ang dulot mo simula nang dumating ka sa buhay ko
Palaging masigla ganado at maaga na bumangon sa kama
Upang salubungin ang araw pagkat gusto ay masilayan at makasama ka
Ngunit parang nag-iba ata ang ihip ng hangin bakit lumisan ka
Sa piling ko ikaw lamang ang tanging hiling ko
Nakuhang mapaluha muntik ko nang hindi kayanin yon
Mahal kita mahal mo ako kaya pano mo nagawa sakin yon
Hindi,hindi alam kong hindi totoo lahat ng ‘to
Pagkat ikaw lamang ang natatanging babae na nagpalambot sa pusong bato
Hindi ko maintindihan bakit kailangan pa tayong paghiwalayin ng panahon
Tapos kung kailan nasasaktan ako sa mga ginawa mo ngayon ay babalik ka rin
Wag naman ganon bigyan mo naman ng kahit konting panahon ang puso ko
Pagkat alam mong mahal pa rin kita hindi mawawala yon lumipas man ang taon…

Kahit na nasaktan mo nang lubos ang damdamin ko ay mahal pa rin kita
Alam kong tayo na,OO tayo nang dalawa ang tinakda nang panahon
Mahal kita sinta pero Wag Muna Ngayon…

Nasobrahan na yata sa pag-ibig na binigay ko sayo
Kaya hindi napansin na ika’y walang iba at nagawa mo kong maloko
Kahit sabihin na hindi mo sinasadya na magmahal ng iba
Dulot parin nito’y pasakit sakin ang dahilan ng aking luha na pumatak at lumikha nang kalungkutan
At ang gulo na nang isipan ko mga nanyari ayoko munang pag-usapan
Ngunit mahal parin naman kita hanggang ngayon
Ang mga kasalanan mo papatawarin ko parin pero Wag Ngayon,Wag Ngayon…

Kahit na nasaktan mo nang lubos ang damdamin ko ay mahal pa rin kita
Alam kong tayo na,OO tayo nang dalawa ang tinakda nang panahon
Mahal kita sinta pero Wag Muna Ngayon…

Sa mga nanyari sa atin halos hindi nako makatayo (hindi nako makatayo)
Gabi-gabi iniisip kung bakit tayo nagkaganito (tayo nagkaganito)
Bawat halik mo sa akin hindi ko madama,haplos pa sakin ngayon ay nasan na
Init ng pag-ibig nabaling nasa iba kaya ngayon nag-iisa
O kay sakit-sakit naman ng nilisan mo (ng nilisan)
Nasaktan kaya at ika’y nagbabalik “Wag Muna Ngayon (4x)” (Ohhh) (dahil masakit,dahil masakit pa 3x)

Kahit na nasaktan mo nang lubos ang damdamin ko ay mahal pa rin kita
Alam kong tayo na,OO tayo nang dalawa ang tinakda nang panahon
Mahal kita sinta pero “Wag Muna Ngayon (2x)” (dahil masakit,dahil masakit pa 6x)…

Videokeman Search