Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (1 votes, average: 4.00 stars)
Loading...

Tanging Hiling Part 3 – Curse One Feat. Slick One Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Tanging Hiling Part 3 – Curse One Feat. Slick One

Simula’t sapul ay hindi ko rin maintindihan ang aking nadarama
para lamang sa isang binibining tulad mo
Binihag mo ako kahit hindi pa tayo nag-uusap at nagkikita at ng masilayan kang nasa harap ko
Tinitigang kang husto sinulit ko ang mga sandaling yun para lang malaman mo
Na ako’y sadyang baliw na sayo solido ang mga larawan mo
Sa isip at puso ko’y nakatatak na ang pangalan mo
Sabihin mong mahal mo rin ako nang hindi na aasa pa
Na iibigin mo rin ako ang mahalaga’y mahal kita pasensya na…

Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo (sa tulad mo)
Kapag nandyan ka hindi ko mapigilan ang nadarama ko
Nag-aantay ng talang dadaan habang nakatingala sa mga bituin
Kung ako’y tatanungin sasambitin ikaw lang ang aking hiling…

Naghahantay ng tala na magdaraan nang dumaan ang tala ay dito’y humiling ako
Naibigay sa akin ang kasing kinang nya
Ngayong nandito ka mahal hindi na kita papakawalan pa
Oo,(ikaw ikaw ikaw ikaw) ang syang sakin pinagkaloob,laging pinapanood,
atensyo’y hindi mabukod,palaging nakasunod at nakatuon sayo
Ilang beses pa bang dapat sabihin sa iyo ikaw lamang ang tanging hiling ko
Hindi na ako sanay ng minsan na hindi makita ka tinatangis ko palagi ka mahal
Kung sa tingin man sa piling ko’y nakakasakal nagawa ko yun dahil sobrang nagmamahal
Ako,ikaw,ikaw at ako ang sabay na bubuo nang pagmamahalan kahit pa sa kabilang mundo…

Sayo lang ako nagkaganto (nagkaganto),hindi ko man sadya (hindi ko sinadya)
Na ibigin ka (na ibigin ka),ikaw lang ang aking tanging hiling
Ikaw ang dahilan kung ba’t ako nabuhay sa mundong ito
Sayo ko nakita ang tunay na kahulugan nang pag-ibig (sadyang mahiwaga,oo,ikaw,ikaw,ikaw)
(ikaw ang pinakamakinang na tala 2x)

Ikaw ang pinakamakinang na tala-tatatatatala sabi ko na nga ba ako’y tatatatatama
Sa aking hinala ako’y para sa iyo at ikaw ay sakin lang
Ikaw ay sa akin lang at sa iyo lang ako talaga namang tayo ang itinadhana
Habang nakatingala sa mga bituin naghahantay ng kometa na dadaan
Pero hindi ko na pala kailangan humiling dahil sakin kusang ibinigay ka naman (hey)
Sana matamasa na hindi na sya magsawa sa tulad ko
At madama nya kahit papano ang mga sulat ko (yeahhh)
Namimiss ko ang napakatamis na halik mo at yakap hindi makatulog pag wala kasa tabi ko
Hindi mapakali ang puso’y hinahanap-hanap ka hindi ka matiis kaya (tara)
Kahit na kulangin pa ang pamasahe ko masilayan ka lang handa kong lakarin kahit na gaano pa kalayo
Pipilitin ko pawisan man ako basta malaman mo tunay itong nadarama ko para lang sayo
Ikaw ang nagbigay nang sigla sa buhay ko
Wag mo na sanang pansinin kung anoman ang tingin nang iba
Sating dalawa mga HATERS na walang magawa
Ano pa nga ba ang gagawin natin Eh di tawanan nalang natin sila
Wala tayong paki sa mundo,Ah,basta nagmamahalan tayo’t masaya…

Alam ko na malayo na magustuhan mo ang tulad ko
Ngunit sa oras na kailangan mo nandito lang ako para lamang sa iyo
Sana’y malaman mo na ikaw lamang ang nag-iisa
Ikaw ang tanging pangarap ko minamahal kita
Pinakamakinang Na Tala ikaw ang tanging hiling…yeah yeah yeah…ikaw ang tanging hiling…

Hindi ko sinasadya na mahulog ako sa tulad mo (sa tulad mo)
Kapag nandyan ka di ko mapigilan ang nadarama ko
Nag-aantay ng talang dadaan habang nakatingala sa mga bituin
Kung ako’y tatanungin sasambitin ikaw lang ang aking hiling…

Sayo lang ako nagkaganto (nagkaganto),hindi ko man sadya (hindi ko sinadya)
Na-ibigin ka (na-ibigin ka),ikaw lang ang aking tanging hiling (ikaw ang tanging hiling)
Ikaw ang dahilan kung bakit ako nabuhay sa mundong ito
Sayo ko nakita ang tunay na kahulugan nang pag-ibig…