Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (No Ratings Yet)
Loading...

Sa Panaginip Ka Na Lang Ba – Slick One, Kejs, Curse One & Vlync Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Sa Panaginip Ka Na Lang Ba – Slick One, Kejs, Curse One & Vlync

1st Verse: Slick One
Panaginip ko lagi sa tuwing matutulog ay
ikaw ang katabi sa kama pagdating ng umaga
anong lungkot dahil hindi pala totoo
ang mga pangyayari sa pagmulat ko (sana, sana)
hindi nalang sana gumising, ginising, isipin ka’y nakakabaliw.
Imahinasyon pa lang naaaning na ko, naaaninagan ko
sa isang kibot mo lang ay merong kurot pagkat nakakapanibago
ang aking sarili, wala sa sarili, palagi lang sinasarili
ang nararamdaman sayo kapag ikaw ay daraan saking harapan
na para bang ang puso ko ay nalalaglag…

Chorus: Curse One & Vlync
Sa Panaginip Ka Na Lang Ba
o sa isipan lang sumasagi,
damdamin ko’y naghihintay sayo.
At kung sakali na ika’y nalulumbay
heto ako handang dumamay sayo
sinta nandito lang ako…

2nd Verse: Kej’s
Ooohhhh, Sa Panaginip Ka Na Lang Ba talaga.
Ako’y naguguluhan saking nararamdaman
please, pakisabi naman.
Nababaliw na ako, mundo ko’y gulong-gulo
kahit na sa paggising ko ay parang hindi totoo.
Tuloy bang iisipin, tuloy bang pipilitin pwede bang gisingin mo
ang natutulog kong pag-ibig sa madilim na palagid ko.
Tulungan mo naman ako
pagkat hindi ko na kayang ipagsiksikan pa ang damdamin ko…

Chorus: Curse One & Vlync
Sa Panaginip Ka Na Lang Ba
o sa isipan lang sumasagi,
damdamin ko’y naghihintay sayo.
At kung sakali na ika’y nalulumbay
heto ako handang dumamay sayo
sinta nandito lang ako…

3rd Verse: Curse One
Alam mo bang sa tuwing
tinititigan ko ang mga larawan mo sa aking telepono
walang makakapagsabi ng sayang nadarama, sana’y makapiling ka
pangakong hindi ko sasayangin ang momentong magkasama.
Magkasama tayo sa maliwanag na paraiso ng mga
diwatang nakapalibot sa isang prinsesang tulad mo
sana lahat ng ‘to’y tunay at hindi lang panaginip.
Masyadong mahiwaga ang damdamin, inaamin ko,
panalangin ko’y mapasakin ka sinta ko.
Sana’y hindi na ako magising sa malalim na pagkakahimbing
pagkat sa tuwing nasa loob ako ng panaginip ko’y malambing
na pagmamahal mo’y naroon, ga’no mang katagal na panahon
handa akong maghintay bago idilat ang aking mga mata
sa natural na ikot ng mundong ito
sana ay hindi nalang natapos ang mga sandali ng gabi na yon
sana’y may okasyon lagi ng palagi kong nasasabi sa iyo
ikaw prinsesa sa panaginip ko…

Chorus: Curse One & Vlync
Sa Panaginip Ka Na Lang Ba
o sa isipan lang sumasagi,
damdamin ko’y naghihintay sayo.
At kung sakali na ika’y nalulumbay
heto ako handang dumamay sayo
sinta nandito lang ako…

4th Verse: Vlync
Ooohhhh, hawakan mo ang aking kamay muling gabay
sa paglalakbay ng pag-ibig ko sayo,
madilim, mapanganib, magulo.
Mistulang bangungot ang aking paghalik
iniisip ko kung totoo ang iyong mga halik.
At sa paggising ko wala akong maalala
pero sitwayon ko sa riyalidad, komplikado at malala na.
Ipaglalaban ko pa ba, makasama ka kaya o Sa Panaginip Na Lang Ba
kahit na ako ay desperadong makasama ka, ayoko ng matulog pa…

Chorus: Curse One & Vlync
Sa Panaginip Ka Na Lang Ba
o sa isipan lang sumasagi,
damdamin ko’y naghihintay sayo.
At kung sakali na ika’y nalulumbay
heto ako handang dumamay sayo
sinta nandito lang ako…