Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (1 votes, average: 5.00 stars)
Loading...

Pagtingin – Curse One, Marrion, Zirhc Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Pagtingin – Curse One, Marrion, Zirhc

hangad ko lang naman ay ibigin ka ng walang hanggan, walang katapusan
Alam mo naman na wala akong maipagmamalaki sayo kundi itong puso ko
Ngunit handa kong gawin lahat, sundin ka’t ibigay ano mang gustuhin mo
Kahit pa magmukhang tanga, mapasaya ka lang
Dahil mahal kita at sayo lang naramdaman
Itong ganitong klaseng pag-ibig na akala ko’y hindi totoo
Dahil alam ko din naman na isang kabaliwan lang to
Ilusyon o pantasya lang ang tumibok ang damdamin mo sa katulad ko
Kaya dinadaan ko na lang ‘to sa sulat ko
Sana naman ay imulat mo
ang iyong mata Panahon na para subukan mo
Buksan ang nakasara, hayaan mong mapadama ko sayo ang wagas na pagsinta
Sukdulan to!, grabe sya, pano nya nagawang ibaba ang langit
Iba sya, isa syang anghel, dahilan kung bakit magagandang awit
Ang naririnig ko, buong mundo’y nayayanig ‘to
Kapag sya na ang dumaan sa isipan ko
Sa lakas ng dating nya dumadagundong ang beat ugh.
Bboom boom boommmm!
Zoom zoom zoommmm!
Ganyan ang pakiramdam pag napapalapit sayo
Sana’y nararamdaman mo rin ang nararamdaman ko

Chorus:
Di man ako ang iyong tipo at lalong ‘di ang pangarap mo
Hangad ko lang naman ay ibigin ka ng walang hanggan, walang katapusan
Hinding hindi pababayaan na ikaw ay mawala sakin
Alipin mo ang puso kong ito
Di magbabago ang pagtingin ko sayo

Ikaw ang tanging dahilan kung bakit ako masaya
Kuntento na ako wala ng hahanapin pa
Di man ako yung tipo na pinapangarap mong makapiling
Pero sa piling ko ay liligaya ka
Kaya panghawakan mo lamang ang pag-ibig ko
Pagkat sayo lang ito nakalaan
Ang pagtingin ko sayo
Sayo lang ‘di ibabaling kahit kanino man
Ano man ang mangyare
Ay magtiwala ka lang sakin pangakong hindi kita pababayaan
Mula pa noon meron na kong pagtingin sayo
Handa kang mahalin hanggat aking makakayanan
Hindi ko hahayaan na mawala ka pa sakin
Ikaw ang babaeng nagbibigay sakin ng saya
Tanging ikaw lang ang kayamanan ko
Sa buhay ko ika’y mahalaga
Puso ko’y maliligaw kung ‘di ikaw ang katuwang
Tuwing kasama ka damdamin ko’y gumagaan
Tila ba lumilipad sa alapaap pag ika’y nakakayakap
‘Di ko maipaliwanag ang saya kong nakamtan
Nang makilala ka muling umikot ang mundo
Mamahalin kita hanggang sa makakaya ko
‘Di ko lubos maisip na ako’y pagpapalain
‘Di ko akalain na ito’y magiging totoo
Ibang klase talaga!
Kagandahan mo’y kahit kanino di ko maikumpara
Walang katulad ang katulad mo tila anghel mula sa langit
Nais kong malaman mo ang tunay kong nadarama
Minamahal kita kailangan pa ba’ng isigaw?
Kahit nakapikit ako ika’y natatanaw
Marami man ang humadlang sa pagsasama natin sinta ko sayo ay ‘di na bibitaw
Kahit na…

Chorus:
Di man ako ang iyong tipo at lalong ‘di ang pangarap mo
Hangad ko lang naman ay ibigin ka ng walang hanggan, walang katapusan
Hinding hindi pababayaan na ikaw ay mawala sakin
Alipin mo ang puso kong ito
Di magbabago ang pagtingin ko sayo

Hindi ko man sukat akalain na kasama ka ngayon saking piling
Tila ba pangarap lang kita dati, sino ba namang makakapagsabi
Alam naman naten na noon hindi mo gusto
Ang mga tipo ng lalake na katulad ko
Subalit ngayon ay ‘di na hadlang mga yan sapagkat
Eto nga at kasama na kita masaya diba?
Wag kang mag-alala pagkat wala na ‘tong katapusan
Patuloy na mamahalin walang iba kailan pa man
Habang tumatagal lumalakas asahan mong pag-ibig ko’y matibay na makulay at hindi na ‘to magwawakas
Alinlangan, di kailangan, ikaw yung tipo na di ko kayang iwanan
Sayo lamang, tinamaan, ganito kalakas ‘di ko nakayanan

‘Di mo lang alam kung gano katimbang
Sa ngiti mo pa lang ako’y nabubuang
Kaya kung pwede lang hayaan mo na lang
Ang puso kong itong umibig ng hanggang sa dulo
Pagtingin ko para sayo ay malabo na magbago, bago!
Kakayanin magtiis kahit gano katagal wag lang lumayo
Yumakap ka lang sakin at wag na wag kang bibitaw
Dito sa palad ko, ang pag-ibig ko sayo’y tapat
Kung alam mo lang kung gano ka kamahal
Maiisip mo din na kahit na ‘di ako taong perpekto
Ay kayang umibig sayo ng walang hanggan

Chorus:
Di man ako ang iyong tipo at lalong ‘di ang pangarap mo
Hangad ko lang naman ay ibigin ka ng walang hanggan, walang katapusan
Hinding hindi pababayaan na ikaw ay mawala sakin
Alipin mo ang puso kong ito
Di magbabago ang pagtingin ko sayo

‘Di man ako ang iyong tipo at lalong ‘di ang pangarap mo
Hangad ko lang naman ay ibigin ka ng walang hanggan, walang katapusan