Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (2 votes, average: 5.00 stars)
Loading...

Pag-Ibig Nga Naman – Aprhyl, Kej’s & Curse One Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Pag-Ibig Nga Naman – Aprhyl, Kej’s & Curse One

1st Verse: Aprhyl
Hindi mapakali ang sarili ko simula ng makilala kita
hindi ko inasahang ganito ang dulot ng isang katulad mo.
Sa bawat sandali na lumilipas ang araw ko
na hindi ka nasisilayan, lubos akong nahihirapan
ang tanging nais ay makasama ka ng magdamagan.
Pag nandyan ka na ngiti ko’y abot hanggang tenga
alam mo ba kahit may kaba wala akong paki, ah basta mahal na kita.
At pag nandyan ka na parang lumulutang sa kawalan
ayoko ng maging matino pa kung ito’y isang kabaliwan…

Chorus: Curse One & Aphryl
Ang Pag-ibig Nga Naman hindi mapipigilan
pag tinamaan ka na hindi mo makakaila ito.
Nakakabaliw ka, ang puso ko sayo’y nahulog na
nadarama sayo ay pag-ibig, pag-ibig na talaga…

2nd Verse: Kej’s
Pagpasok ko kanina, alam mo ba, ikaw ang una kong nakita
gumanda ang umaga ko dahil sayo, sana ikaw ay makilala ko,
pipilitin kong sundan ka san ka man magpunta sinta,
sa isip ko’y laging nandun ka
(Heyyy) ako’y baliw na sayo nakakabighani ka.
Ibang-iba na talaga itong nadarama ko
dahil sayo nakita ang pag-ibig na totoo.
Ibang klase ang ngiti pag nakikita ka sh*t ako’y nabihag mo.
Ikaw ang musika na naglalaro sa puso’t isip ko,
ikaw ang dahilan kung ba’t ayokong maputol ang panaginip ko…

Refrain: Aphryl
Ang Pag-ibig Nga Naman hindi mapipigilan
pag tinamaan ka na hindi mo makakaila ito.
Nakakabaliw ka, ang puso ko sayo’y nahulog na
nadarama sayo ay pag-ibig, pag-ibig na talaga…

Pag-ibig Nga Naman, pag tinamaan ka na
wala ka ng magagawa pa (Let’s Go)
Kahit na pilitin mong itago ay mahahalata ka
wala kang takas, anong saya…

3rd Verse: Curse One
Kapag tinamaan ka ng mahiwagang pag-ibig ay para kang minahika.
Animo’y ang buong paligid mo’y nababalutan ng sayang kakaiba.
Nagkakaisa ang mga sagradong anghel sa langit, umaawit
dahil sa may koneksyon ang damdamin nating dalawa.
Sana nga ay hindi na matapos ang pag-agos ng puso sa mundo
Eyy! at ang pagbaha ng pagmamahalan tanging ikaw lang at ako
hanggang sa dulo ng walang hanggan
Yeah!!! Hahaha!!! Wooohhh!!!…

Chorus: Curse One & Aphryl
Ang Pag-ibig Nga Naman hindi mapipigilan
pag tinamaan ka na hindi mo makakaila ito.
Nakakabaliw ka, ang puso ko sayo’y nahulog na
nadarama sayo ay pag-ibig, pag-ibig na talaga…