Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (6 votes, average: 4.83 stars)
Loading...

Move on – Curse One Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Move on – Curse One

(Ano bang talagang alam nya sa tunay na pag-ibig mo?
Hindi ka nya dapat sinasaktan )

yeah
move on, move on, move on
move on, move on, move on
move on, move on, move on
move on, move on

Alam kong hindi madali para sayo
Na limutin sya at ibaling sa iba ang ‘yong atensyon
Namumugtong mga mata
di naman nya nakikita ang ‘yong tunay na halaga
Kaya wag mo nang pagurin ang sarili mo
Di na sya babalik para sayo
Isipin mo na lang hindi sya kawalan
Dahil dapat ika’y minamahal at di dapat sinasaktan
Tahan na, wag mong sayangin ang luha mo
Sa kanya,kalimutan mo na sya dahil wala kang mapapala
Sa kakamukmok mo
Ika’y bumangon at yong itapon ang di magandang kahapon
At ikaw ay magsimulang muli
Ayos lang kahit ang usad mo’y paunti-unti

Chorus:
Palayain mo ang puso mo
Kalimutan mo na sya wala kang mapapala
Hindi sya karapat-dapat para sa pag-ibig mo
Hindi rin sya kawalan sayo
Di nya lang alam ang iyong halaga
Wag ka nang malungkot, may makakakita din non
Pero ngayon kailangan mong mag move on

Ang ganda mo ay labis
Sa mga mata ko ika’y walang kawangis
Walang katumbas na kahit na ano pa man
Ikaw ay isang bituin sa kalawakan
Hindi dapat pinaglalaruan at hindi dapat pinapabayaan lang
Na masaktan ka, taos pusong hahagkan ka
Pero bakit tila ang mundo’y napakadaya
Sana ikaw ay maging malaya at mapayapa
Ang yong isip at damdamin
Sa kabila ng sugat mong natamo alam ko na yong kakayanin
At makakatagpo ka din ng isang taong magmamahal sayo
At ipaglalaban ka ano man ang maging hamon ng mundo
Kaya wag mo na sanang ikulong ang sarili mo dun
Sa di ka naman pinapahalagahan
Palayain mo ang puso mo na nakabilanggo sa nakaraan
Bumangon ka dahil kailangan nating harapin ang bawat pagsubok sa mundo
Tandaan mo di ka nag-iisa
Pilitin mong maka move on, mabigat man ang pasan mo
Manalig ka lang alam kong kaya mo yan

Chorus:
Palayain mo ang puso mo
Kalimutan mo na sya wala kang mapapala
Hindi sya karapat-dapat para sa pag-ibig mo
Hindi rin sya kawalan sayo
Di nya lang alam ang iyong halaga
Wag ka nang malungkot, may makakakita din non
Pero ngayon kailangan mong mag move on

move on, move on, move on
move on, move on, move on
(Ano bang talagang alam nya sa tunay na pag-ibig mo?
Hindi ka nya dapat sinasaktan )
move on, move on, move on
move on, move on

Palayain mo ang puso mo
Kalimutan mo na sya wala kang mapapala
Hindi sya karapat-dapat para sa pag-ibig mo
Hindi rin sya kawalan sayo
Di nya lang alam ang iyong halaga
Wag ka nang malungkot
May makakakita din non
Pero ngayon kailangan mong mag move on

Videokeman Search