Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (37 votes, average: 4.57 stars)
Loading...

Malaya Kana – Curse One Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Malaya Kana – Curse One

mahal… malaya kana ahh…..
malaya kana
ako’y mag papa raya.. kahit na hindi ko kaya..
alam kong mahirap , sa umpisa
pero kakayanin ko ang kalimutan ka
kahit masakit na wala kana..
malaya kana..

1st vrs

malaya kna, pakakawalan na kita .. kahit masakit para sakin
di koto ginawa dahil di kita mahal.. kung hindi para palayain

ang isang tulad mo na.. alam kong pwede sumaya sa piling ng iba
ma punan ang mga bagay nadiko kayang ibigay sayo noon diba !

yan ang dahilan,rason ..kung bakit bigla ka nalamang sakin nanlamig
ginawa-ginawa ko lahat para lang mapainit halos mawalan ng bait

akala ko panaman ay ikaw na ang lalakeng makaka-sama ko sa dulo
ngutin hindi,dahil sa umpisa palang ay sinaktan mona agad ang puso

ng isang tulad ko pero tapos nayon dahil ngayon lubos ko ng batid
na hindi ikaw.. ang para saakin pag sasamahan natin ay napatid

paalam na sayo mahal .. kahit masakit para sakin ang gawin ito
ang dating naka bukas ay isasara na walang iba kundi ang pinto ….(ng puso)

Chorus:

mahal… malaya kana ahh…..
malaya kana
ako’y mag papa raya.. kahit na hindi ko kaya..
alam kong mahirap , sa umpisa
pero kakayanin ko ang kalimutan ka
kahit masakit na wala kana..
malaya kana..

2nd vrs:

kahit alam ko sa sarili ko na masakit talaga to!

Ang palayain ang mahal at pabayaan mo na lang syang mawala.
Buong buhay ko ito ang pinaka masakit na disisyon sa relasyon na aking ginawa.

At dahil sa mahal kita gusto kitang maging masaya kahit ang kapalit nito’y pagluha.
Wag ka mag-alala sa kabila ng lahat naka-ngiti parin ako sayo habang palayo ka’t.

Hawak ang kamay nya binabagtas ang daan papalayo sa akin.
Sana patay na lang ako walang pakiramdam at nakatayo sa hangin.

Para di ko na ramdam ang sakit at kirot lumbay at lungkot ng yong paglisan.
Di na malasahan ang paet na dulot ng bigong pag-ibig na di kayang maiwasan.

Sa kabila ng wagas na pagmamahal ko sayo ito ba dapat ang aking matamo.
Sugat na walang kalunasan at walang tigil na pag-agos ng luha sa mga mata ko.

Ngunit ganun pa man mahal kase kita kaya tinitiis ko ang lahat ng ito.
Ako’y handang makulong sa rehas ng kalungkutan para lang sa ikakasaya mo! malaya kana!

3rd vrs:

ikaw ang unang bumitaw
kaya wag ka ng umasa
na ako ay babalik
pa sa katulad mona nag bigay ng
sugat at sakit

sa puso at isipan ko
mahirap natong tanggalin
parang itim na tinta
na nabuhos sa puting damit

habang sinusulat ko ang liham na ito
hindi ko parin napigilang
pumatak ang luha ko

biglang pumatak kasabay ang paglimot sa aking
mahal na dati ay nagpapaligaya at nagpasaya
sa dating malungkot na mundo.

bigla mong pinasaya ngunit panandalian lang pala
ang lahat ng mga yun bigla mo na lang akong iniwanan
na nag iisa kaya ngayon paalam na

Bridge:

masakit man na aminin.. na wala na ang pag-ibig mo
kailangan kong tanggapin para lang makalimutan ko

ang nakaraang.. minsan nag dulot ng sugat
sa puso ko ngayon nag hilom na…

madilim na ang dating mundo kona makulay..
handa kong mamatay ikaw lang ay mabuhay

4th vrs:
natatandaan mopaba un mga araw na tayong dalawa ay mag kasama pa
un mga oras.. at mga sandaling mga mali natin naitatama pa..
na pwedeng maging dahilan ng maagang pag-ka pigtal ng ating tali
kumbaga diko na pwedeng tikman.. ang iyong halik gamit ang aking labi
na nag dudugtong sa puso konekta sa isip ng bawat isa
pinag lalaban ang isa’t-isa.. sa mga hadlang kahit lahat sila
kumokontra .. ay wala silang magagawa sa-ating pag mamahalan
kapit kamay pa tayong sasalubong sa hamon na parang wala hangganan
NGUNIT
bakit bigla ka nalamang nag iba.nag bago na ang lahat sayo
diko na masabayan ang takbo ng iyong isipan na para bang pilay na hindi makatayo
habang ikaw ay papalayo pilit ko na hinahabol ang mga bakas mo sinusundan
tinitiis ko ang bagay-bagay na nawawala saakin pilit ko paring pinunupnan
kahit unti-utni.. konang nararamdaman.. ang mga panlalamig na dating mainit
nawawalan na ng pag-asa na masilayan pa ang kapiranggot na butas ay diko na masilip
nasan ang mga pangako na binitawan mo saakin sumpa na hindi moko iiwan
lahat ay napako sa bato! totoo bato! bakit ba bigla mo nalamang akong nilisan
yang ang mga tanong na kelangan mong masagutan ipaliwanag ng malinaw at maayos
dahil madilim malabo magulo ang ating relasyon gusto kona to kasing matapos