Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (68 votes, average: 4.62 stars)
Loading...

Laging Nasa Piling Mo – Curse One Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Laging Nasa Piling Mo – Curse One

1st Verse:

Mahal kita, kahit ano pa ang mangyari satin.
Hindi mo na kailangan pang pansinin
ang mga maliit na bagay na pilit naglalayo sa atin,
salamat dun sapagkat hindi ka nagpapadala sa anomang suliranin.
Kaya sobrang ganda ang mabuhay,
lalo na ikaw ang dahilan ko
kung bakit nandito ako sa mundo
na puno ng saya, salamat talaga.
Dahil sayo, kahit alanganin ang lagay,
kahit minsan hindi mapalagay
ang dibdib mo basta’t isipin mo nandito lang ako,
pagkat ikaw lang ang nagmahal sakin ng ganito…

Chorus:

Hindi mo na kailangan magdalawang isip pa (isip pa)
sakin, kasi alam mong minamahal kita. (minamahal kita)
Lagi kang nasa puso ko, san man ako magpunta,
dala-dala ko ang pag-ibig mo.
Asahan mong ako’y Laging Nasa Piling Mo…

2nd Verse:

Kahit lagi ka nalang nagtatampo at ako
ay tila ba nananahimik nalang,
ay ayos lang (ay ayos lang) wala sakin yon,
ang mahalaga tayong dalawa ay masaya,
hawak ang pangarap natin para sa isa’t-isa.
Ikaw at ako, walang dulo ng mundo
na pwedeng humarang sa pagmamahalan natin.
Pag-ibig ang syang namamagitan satin
kaya wala kang dapat ipag-alala,
ako’y Laging Nasa Piling Mo…

Chorus:

Hindi mo na kailangan magdalawang isip pa (isip pa)
sakin, kasi alam mong minamahal kita. (minamahal kita)
Lagi kang nasa puso ko, san man ako magpunta
dala-dala ko ang pag-ibig mo.
Asahan mong ako’y Laging Nasa Piling Mo…

3rd Verse:

Diba alam mo namang hindi ko magagawang
iwanan ang isang katulad mo sa anomang
pagsubok na dumating sating dalawa,
alam kong mahirap ang mabuhay pero hindi ko dama
ang pasakit ng mundo, dahil sayo,
makasama lang kita lahat ay iindahin ko,
anomang hilingin mo, mahal pipilitin kong gawin
kung may pagpipilian man, ikaw pa rin
ang pipiliin ko sa kabila nang lahat,
pagmamahal ko sayo, walang makakatapat
sapagkat ikaw ang hulog sakin ng itaas,
ikaw ang syang nagbigay ng lakas,
nang lakas ng loob at hangin sa paghinga, paghinga,
ikaw ang laman sa bawat pahina, pahina.
Istorya ng pag-ibig na hindi magtatapos
hanggang sa kabilang buhay, mamahalin kita ng taos…

Chorus:

Hindi mo na kailangan magdalawang isip pa (isip pa)
sakin, kasi alam mong minamahal kita. (minamahal kita)
Lagi kang nasa puso ko, san man ako magpunta
dala-dala ko ang pag-ibig mo
asahan mong ako’y Laging Nasa Piling Mo