Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (11 votes, average: 4.55 stars)
Loading ... Loading ...



Lyrics of Kung Pwede Lang Sana Feat. Tha Sicktunes – Curse One

Kung Pwede Lang Sana
Pwede bang tumabi ka sakin at
may kailangan lang akong ipagtapat
Ang lahat ng matagal ko ng itinatago
ngayon ay sasabihin ko na sayo ng buo
Walang kulang at walang sobra kundi sakto
Sana’y masalo ang puso dahil babagsak ‘to
pababa sayo at hindi ako magmamataas
hindi ka dadayain at mananatiling patas (patas)
Alam kong madalas mong napapansin
ang palihim na pagtingin ko sayo (ko sayo)
Alam mong madalas kong dinadalangin
makapiling ka sa buong buhay ko (sa buong buhay ko)
Sayo lang ako nagiging kumpleto
kagandahan mong taglay sa mundo’y walang kapareho
Kaya hayaan mong sayo’y aking ipadama
pag-ibig na walang katumbas pwede ba,kung pwede lang…

Sana naman ay naririnig mo ang tinig ko
pagkat nais ko lang na ipaalam sayo
labis akong nabighani sa ganda mo
Wag mo sanang mamasamain
ang aking balak lamang ay maipadama sayo ang dulot mo
Ang dulot ng pag-ibig mo sakin at sa paligid ko ay nagbubunga ng saya
Liwanag ka,para sakin ay walang kawangis ang lungkot dahil…

Kung Pwede mo Lang Sanang buksan ang pituan
sa loob ng puso mo at isipan Kung Pwede Lang Sana
At wag mong hahayaang maharang lang dahil lang
sa ibang hindi maintindihan na bagay payagan mo sana
Ako na maipadama sayo ang syang dulot ng dating mo saking puso
Mabigay ko ng buo ang pag-ibig ko sayo
kung papayagan mo lang akong ibigin ka…

Nababato,nakatulala,nag-aabang ng babagsak na tala
Sana ay ikaw na nga kasama ko maya’t maya,
ngiti sayong mga mata anong hiwaga
Kung Pwede Lang Sana sakin ka nalang
sa mundo ko ikaw lang at wala ng hahadlang
Magkahati sa pusong hinding-hindi malulugmok kasama ko sa ikot ng mundo
Kung alam mo lang pintig ng puso ko ikaw lang lagi ang sinisigaw
Sana’y mapansin ang tulad ko sa tuwing dumarating
sayo nakatingin,nabubuhayan,nagbibigay ngiti
Ikaw ang syang liwanag saking buhay
Kung magtagpo man tayo sana’y hindi kana mawalay
Mapagbigyan lang hindi ko sasayangin oras at pagmamahal
Kung Pwede Lang Sana…

Kung Pwede mo Lang Sanang buksan ang pituan
sa loob ng puso mo at isipan Kung Pwede Lang Sana
At wag mong hahayaang maharang lang dahil lang
sa ibang hindi maintindihan na bagay payagan mo sana
Ako na maipadama sayo ang syang dulot ng dating mo saking puso
Mabigay ko ng buo ang pag-ibig ko sayo
kung papayagan mo lang akong ibigin ka…

Kung pagbibigyan mo lang ako ng pagkakataon
na pag-alayan ka ng panahon
Pipilitin kong magkaron ng bakanteng oras hindi sa isisingit lang kita
Kundi ang ibig kong sabihin ay handa kong ibigay
lahat ng sakin sayo basta hayaan mo lang ako
na makuha ang pangarap ko
At yun ay ang ibigin ka asahan mo kusa na ang lahat
Pag-ibig ko’y ikaw,laging sinisigaw ng aking puso at laging tinatanaw
Masilayan ka lang na nakangiti buo na ang magandang araw ko
Salamat sa itaas at sya ay nagpadala ng isang anghel na ubod ng ganda
Musikang dumadaloy saking puso’t isip ay ikaw hayaan mo sana akong mahalin ka…

Kung Pwede Lang Sana…

Kung Pwede mo Lang Sanang buksan ang pituan
sa loob ng puso mo at isipan Kung Pwede Lang Sana
At wag mong hahayaang maharang lang dahil lang
sa ibang hindi maintindihan na bagay payagan mo sana
Ako na maipadama sayo ang syang dulot ng dating mo saking puso
Mabigay ko ng buo ang pag-ibig ko sayo
kung papayagan mo lang akong ibigin ka…

Videokeman Search