Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (No Ratings Yet)
Loading...

Ipagpaumanhin Mo – Curse One Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Ipagpaumanhin Mo – Curse One

Chorus:
Ikaw lagi ang nakikita ko sinta ko
Ipagpaumanhin mo kung nahuhulog ang puso ko sayo
Ikaw lagi ang nakikita ko sinta ko
Dalawang pusong nagkaisang dibdib ikaw at ako
Ikaw lagi ang nakikita ko sinta ko
Ikaw ang syang pinapangarap ko

Salamat dahil sayo, kung wala ka’y wala ako
Binibini ng buhay ko ikaw ang dahilan kung bakit ako nabuo
Nabuo sa mundo ng makasalanan ma’y ito ang totoo
Totoo, bahaghari ang lalabas,
Lumabas man ang tunay na kulay ko
Iba na ang nakaraan sa ngayon, pero alam mo bang minahal kita noon
At kahit na lumipas ang ilang taon, hinding hindi magbabago yun
Kung may binago man ako yun ay sarili ko, para magaan lagi sa piling mo
Ayoko lamang na nag-aalala ka, mithing makasama ka, lubusang mapadama
Sayo ang pag-ibig ko
Pero sa lahat ng sinabi ko ayos lang kung ang isasagot mo ay “No”
Dahil sayo ang mga tulad kong ginoo ay naging maginoo, I know

Chorus:
Ikaw lagi ang nakikita ko sinta ko
Ipagpaumanhin mo kung nahuhulog ang puso ko sayo
Ikaw lagi ang nakikita ko sinta ko
Dalawang pusong nagkaisang dibdib ikaw at ako
Ikaw lagi ang nakikita ko sinta ko
Ikaw ang syang pinapangarap ko

Kahit na madalas kinukutya ng iba
Itong damdamin ko para sayo ganun pa man di bale na
Kahit ano pa ang mangyari satin lagi mo sanang iisipin na
Ako ay nandito lang, di hahayaang masaktan ka
Ang makita kang nakangiti ay sobrang sarap sa pakiramdam ko
Ikaw ang sigaw ng puso ko
Minamahal kita, alam yan ng Diyos Ama
Ikaw ang panalangin ko

Chorus:
Ikaw lagi ang nakikita ko sinta ko
Ipagpaumanhin mo kung nahuhulog ang puso ko sayo
Ikaw lagi ang nakikita ko sinta ko
Dalawang pusong nagkaisang dibdib ikaw at ako
Ikaw lagi ang nakikita ko sinta ko
Ikaw ang syang pinapangarap ko

Hindi ka basta basta lang, basta basta lang
Hindi ka basta basta lang, basta basta lang
Kaya ako ay nabighani mo, ikaw ang pinapangarap ko
Araw araw, hindi masusukat ng kahit ano
Walang ano mang hihilingin sayo
Ayokong hanapin kita dahil sa paraan na yun, malamang di ka magpakita sakin
Ngunit kung kailangang tahakin ang ilang kilometrong layo, gagawin
Malaman mo lang na mahalaga ka sakin

Pag naabot kita, abot ko na ang lahat
Huwag mo sanang ipagdamot pag-ibig na tapat
Dahil sayo pakiramdam ko
Ano man ang suliranin kayak o
Gaano man ‘to kabigat
Sayong sayo ang buong ako
Ipapadama ko sayo ang pag-ibig kong natural at kusa
Pag nakamit kita
Ang mga tala sa kalangitan ay hindi na muli pang luluha

Chorus:
Ikaw lagi ang nakikita ko sinta ko
Ipagpaumanhin mo kung nahuhulog ang puso ko sayo
Ikaw lagi ang nakikita ko sinta ko
Dalawang pusong nagkaisang dibdib ikaw at ako
Ikaw lagi ang nakikita ko sinta ko
Ikaw ang syang pinapangarap ko

Videokeman Search