Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (5 votes, average: 2.80 stars)
Loading...

Inspiration – Curse One Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00

Lyrics of Inspiration – Curse One

Ako ay nag iisa sa madilim na sulok ng mundo
kasabay nang pagpatak ng ulan mga luhang dumadaloy sa mga mata ko
animo’y pasan pasan ko lahat sa aking likuran
ang mga problema sa tingin ko’y hindi ko kayang lampasan
buti na lang at ika’y dumating sa buhay ko binigyan liwanag mo ang isip ko
pinayungan mo ko sa malakas ng bagyo sa loob ng damdamin ko

Sa kabila ng mga pighati at hirap ko
(at hirap ko)
alam kong darating ang araw na matatapos din lahat ng to
(matatapos din lahat ng to)
basta para sayo ay kakayanin ko lahat lahat nang ito
ikaw ang dahilan kung bat nagiging matatag ikaw ang direksyon ko
sa mundong to Ikaw ang Inspirasyon ko

Wag kang panghihinaan dapat lumaban ka
sa ano man problema wag mong hayaan na
mabalutan ng dilim ang sarili mo wag kanang dumagdag sa pait ng mundo
tibayan mo lamang kalooban mo sa anumang sitwasyon
dahil alam kong kaya mong malampasan lahat pakawalan mo lamang ang syang nag papabigat
sa isip mo’t damdamin sundin ang gusto mo
dahil ikaw din lang ang nakaka alam ng mga bagay na to
hawak mo ang susi ng solusyon nasan bayon wag kang mag alala mahahanap mo rin yun
basta steady lang gawin mo ang dapat mong gawen na meron positibong pag iisip
sa kabila ng mga negatibong sumisilip dahil sayo’y magpapakatatag ako
Ikaw ang inspirasyon ko

Sa kabila ng mga pighati at hirap ko
(at hirap ko)
alam kong darating ang araw na matatapos din lahat ng to
(matatapos din lahat ng to)
basta para sayo ay kakayanin ko lahat lahat nang ito
ikaw ang dahilan kung bat nagiging matatag ikaw ang direksyon ko
sa mundong to Ikaw ang Inspirasyon ko

Sa tuwing nasa baba ang pakiramdam ko ikaw ang nagbibigay
nang lakas ng loob at nagtutulak sakin upang magawa ko ang mga bagay na di ko inaakala
kaya kong gawen
dahil ikaw ang inspirasyon ko