Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (46 votes, average: 3.91 stars)
Loading...

Destinasyon by Aprhyl, Lux Xand – Curse One Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Destinasyon by Aprhyl, Lux Xand – Curse One

Chorus: Aprhyl

Kung nasan ka’y naroon din ako,
san ka man magpunta’y hindi tayo magkakalayo.
Tumatakbo ang orasan na tayong dalawa
puso ko, puso mo isa lang ang Destinasyon…

1st Verse: Aprhyl

Malapit ka man o malayo sakin, iisa lang, hindi naiibang
mga pangarap, nasasagap mo pa rin ang presensya nang
pag-ibig, iniibig kita kahit ang pagitan ay pagsisid
sa karagatan ng kapalaran ay hindi kayang sirain ang
napagkasuduan nating dalawa
na matamis pa rin sa muling pagkikita
at mabisa pa rin ang tamis na sating nagpapasaya.
Wag ka nang mangamba
hindi naman naghahanap pa nang iba (pa nang iba)
kahit na malayo ka saking tabi…

Chorus: Aprhyl

Kung nasan ka’y naroon din ako,
san ka man magpunta’y hindi tayo magkakalayo.
Tumatakbo ang orasan na tayong dalawa
puso ko, puso mo isa lang ang Destinasyon…

2nd Verse: Lux

Ang sabi ng iba,
panahon lang daw ang makakapagsabi ng tadhana.
Hindi ka ba
natatakot kung hindi na bumalik sayo ang taong nagpakaba,
nagpasaya, nagpangiti, nagbigay kulay sa bawat sandali.
Hindi alintana kung anoman ang hamon, susubukan kong bumangon,
madampian lang puso ng taong iniingatan kong
wag maglaho hindi dahil sa tagal ng ipinangako.
Walang dahilan para baliwalain o layuan at suwayin
kung anoman ang nararapat, malayo man ay tatanawin
ang bukas, mahinog man ang ubas, walang kupas
kitang mamahalin, pilit kong tatakpan ang butas.
Mahal kita, ikaw ang aking inspirasyon,
malayo man ang Destinasyon…

Chorus: Aprhyl

Kung nasan ka’y naroon din ako,
san ka man magpunta’y hindi tayo magkakalayo.
Tumatakbo ang orasan na tayong dalawa
puso ko, puso mo isa lang ang Destinasyon…

3rd Verse: Curse One

(Hey, hey, hey, hey, isa lang)
Kahit magkalayo tayong dalawa,
dagat man ang pumapagitan
at oras man natin ay magkabaliktad,
pa umaga na dito sa inyo pa gabi na.
Ayos lang, hindi balakid ang distansya satin,
malalim at ibang klaseng pag-iibigan,
matamis pa sa matamis ang pagmamahalan.
Iisa lang naman ang tahanan
ng dalawang pusong pinagbiyak,
nakalaan tayo sa bawat isa, san ka man
mapunta ay nandun ako tiyak.
Wag ka nang mangamba pa’t mag-alala pa,
wag ka nang malungkot pa mahal ko.
Pagkat ang itinakda nang tadhana
na magsama nang walang hanggan ay tayo…

Chorus: Aprhyl

Kung nasan ka’y naroon din ako,
san ka man magpunta’y hindi tayo magkakalayo.
Tumatakbo ang orasan na tayong dalawa
puso ko, puso mo isa lang ang Destinasyon

Videokeman Search