Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (78 votes, average: 4.81 stars)
Loading...

Ama – Huddasss , Abaddon, Curse One Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Ama – Huddasss , Abaddon, Curse One

Whoo
(Para sa lahat ng mga amang nagmamahal)
ohhh
(Para sa lahat ng amang responsable)
Kaysarap pakinggan nang tawagin kang ama
Pag kayo’y minamasdan nawawala lahat ng problema
Di ko kayo pababayaan
Pangako ni ama inyong panghawakan
(Laman ng awit na to ang mga di niyo masabi)
Aalagaan at gagagbayan
(Mabuhay ang lahat ng ama)
Mahal kayo ni ama, Lagi niyong tatandaan

Sa isang iglap nagbago ang lahat
Nagkaron’ ng dahilan para lalong magsumikap,
Ugali ko’ng pangahas at aking pagiging sutil
Agad kong tinalikuran dahi sa mga anghel,
Na naging dahilan kung bakit kumapit at naniwala
Na kaya kong maitaguyod ng matiwasay,
Di man ako nagtapos ng pag aaral, di makakasagabal
Tuloy sa pag bigay nang maibigan nyo at layaw,

Titiisin ang gutom at pagod
Puyat o may sakit manhid na ko sa pait,
Masayang pinapawisan ito’y
Dahil alam kong ang kapalit
Ng paghihirap ang ngiti niyong matamis,
Maraming pinalagpas na pagkakataon
Di’ ko sinayang yon
Bagkos ay lalong sa inyo ang atensyon,
Ang masdan bawat araw na paglaki yun ang sukli
Ng pagmamahal na binubuhos sa araw at gabi,

Batid kong darating ang araw na mawawalay
Nanaisin niyong magsarii ng pamumuhay,
Di ko man ibigin kusang darating yon
Kaya’t mabuti pang sulitin oras natin ngayon,
Saking kandungan hayaan niyong aking iparamdam
Kaligayahan na sakin kayo’y mapagsilbihan,
Di man ako ang naging pinaka mabuting anak
Ang maging isang ama sa inyo
Labis kong pinasasalamat ,

[chorus]
Kaysarap pakinggan nang tawagin kang ama
Pag kayo’y pinagmamasdan nawawala lahat ng problema
Di’ ko kayo pababayaan
Pangako ni ama inyong panghawakan
Aalagaan at gagabayan
Mahal kayo ni ama lagi niyong tatandaan

Lahat ng pagod ay nawawala kapag kayo’y kasama na
Kayo ang dahilan kug ba’t masarap ang maging ama,
Kayo ang kayamanan kaya’t ako ay mayaman na
Walang kahalintulad ang igaya na nadarama,
Pinapangakong magsisikap si ama para kayo
Ay mabigyan ng magandang kinabukasan,
Hindi ko hahayaang dapuan ng kagutuman
Pag may luhang
Papatak ay walang sawang pupunasan,

Tawagin si ama kapag hindi na kaya ang dinadala
Ako’y nasa likod aalalay kapang nadarapa,
Tutulong sa mga bagay na hindi niyo pah nagagawa
Magsisilbing mata sa panahong kayo’y nangangapa,
Ako ang n’yong gabay nakamasid palagi
Si ama ang magaalis ng gatas niyo sa labi,
Mga anak kong musmos dito kayo sa inyong hari
Sa langit niyo’y ako ang uukit ng bahaghari,

Salamat sa Diyos ay kayo’y binigay niya sa akin
Ang mga ngiti niyo
Ang nagpalambot nitong damdamin,
Parang dinudurog ang puso pag ako’y yayakapin niyo
Kayo ang tagapagligtas pag nasa alanganin,
Si ama ang guro kaibigan kapatid
Gabay sa tulay nang pagsubok
Hanggang sa makatawid,
Kayo, init niyo ko sa lamig
At mahal ko kayo yan ang nais kong ipabatid,

[Repeat Chorus]
Mahal kayo ni ama
Na handang magsilbing sandalan niyo
Sa oras na kailanganin
Aalagaan at gagabayan
Pangako ni ama
Inyong panghawakan

[Repeat Chorus] 2x

Submitted by: R&M

Videokeman Search