Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (91 votes, average: 4.70 stars)
Loading...

Ako’y Maghihintay Sayo – Curse One Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Ako’y Maghihintay Sayo – Curse One

1st verse:

di ko maipaliwanag ang aking nararamdam
nung nakita sa isang okasyon.. ewan ko
ba kung bakit ba pumasok ka nalang bigla sa panaginip ko
at isang araw gustong gusto na kita masilayan ulet
makasama ulet makausap ulet kahit na
di ako makulet di ako malupet na katulad nya

basta masaya ako sayo
kahit sya palagi ang nasa isip mo
alam ko namang naguguluhan ka pa sa kakaisip sa iyong nakaraan
na nagdulot ng matinding sugat sa puso mo

nandito lang ako para sayo prinsesa ko
ako’y alipin sa pag-ibig mo
bukod tangi ka sa lahat ng mga nakilala ko
di ako magsasawang tingnan tayong dalawa na magkatabi
sa loob ng litrato

chorus:
handang kong tanggapin lahat sayo at i-alay
lahat ng sakin pagkat hindi ko kaya
na makita ka kasama nya
alam kong kaibigan lang ang tingin mo satin
ganun pa man ay ayos lang
basta nandito lang ako sayo handang dumamay
ako’y magiintay sayo

2nd verse:
masyadong kong tahimik at hindi maboka na katulad nya walang ipagyayabang sa
katulad mo kaya sa sulat ko nalang idadaan itong damdamin inaamin ko
na wala sakin ang lahat ng katangian ng isang lalakeng aligaga
mabilis ang dila malikot kumilos humahawi ng buhok habang nagtatanghal
sa harapan mo

di ako ung tipong malakas ang loob para sumali sa fliptop
pero ako’y sobrang down sa hiphop
music tulad ng pagkakaalam mo
mga kwento ko sayo nung una mong tawag saking telepono

aking telepono’y laging inaabangan magring o kahit text man lang mam
gabi gabing nakatitig sa larawan mo ang sarap sa pakiramdam pag
gising ko ikaw ang napanaginipan ko
magkasama tayo sa kaharian mo
mahal na prinsesa ang sarap mag-alay sayo

sabihin mo lang kung kailangan mo
agad babyahe mula valenzuela hanggang tondo
kahit na ako’y matatakutin sasamahan kita sinta
alam kong mapapalitan din ng liwanag ang dilim
kinabukasan pag mulat mo ng iyong mata (chorus)

bridge:
oooh kung alam mo lang
ako’y sobrang inlove sayo
ako’y sadyang tahimik lang
ganun pa man ako ay totoo

3rd verse:
ayoko ng sikat pero mahal ko sikat
sa puso ko sikat sikat kasi mahal ko sikat
sa puso ko simple lang intindihin mo nalang
magulo ba talagang nakakabuang nakakabaliw
nakakaloko, pano mo ko, napaibig ng todo
ng ganun na lang mapasagot kita ng oo

sa panaginip lang siguro isang illusion
itong awitin ko ay punong puno ng emotion
alam mo kung bakit? meron kasi kong inspirasyon
wag mo ng itanong pagkat alam mo na ikaw yun

tinutukoy sa awitin na to
sana kaya kong sabihin sayo
aminin sayo ng harapan sana’y maagapan
ng di tuluyang malunod sayo ang
pusong di sinasadyang mam mam mam mahulog sayo

ilan na ba ang mga pinaliyab kong kanta
pero to’y naiiba sa malatelenobelang mga storya
na napanood ko
ang sarap mangarap lalo kung ikaw ang katambal
sa eksenang matamis miss na kita ang bilis ba?

sensya ka na kahit ako di ko akalain
na aabot ako sa puntong di inaasahan
ngunit handa kong magintay sayo,
tawagin mo lang ako sa oras ng pangangailangan mo

chorus:
handang kong tanggapin lahat sayo at i-alay
lahat ng sakin pagkat hindi ko kaya
na makita ka kasama nya
alam kong kaibigan lang ang tingin mo satin
ganun pa man ay ayos lang
basta nandito lang ako sayo handang dumamay
ako’y magiintay sayo