Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (2 votes, average: 5.00 stars)
Loading ... Loading ...



Lyrics of Palasyo – Crazy as Pinoy

Palasyo – Crazy As Pinoy

Simula ng makilala ka ako ay laging masaya
Para bang ang buhay ko’y nagkaroon ng sigla
At dahan-dahang napapawi ang mga problema
Alam mo kapag kasama ka ngiti ko’y hanggang tenga
At ang puso ko’y tumatalon sa sobrang tuwa
Kapag kausap ka ligaya ang nadarama
Lungkot nababwasan kapag kapiling ka
Liwanag ka sa akin dalisay sa damdamin
Busilak sa katapatan kung iyong aarukin
Pagkat ikaw sa akin ay napakahalaga
Ihalintulad mo man sa iba ika’y walang kawangis
Pag-ibig kong ito taos puso’t labis labis
Kaya kahit na ako ay magmukhang tanga
Ok lang yon dahil two times mahal kita
Lahat ay gagawin para ika’y sumaya
Alang-alang  lang sayo buhay ko’y itataya

Chorus:
Dadalhin kita sa king palasyo
Dadalhin hanggang langit ay manibago (2x)
Nakatatak ang pangalan mo sa king dibdib
Larawan at pag-ibig mo dito nakaukit
Saksi ko ang langit ibon ang aawit
Sa ating pagsasama na walang kasing lupit
Iyong mababatid ika’y mananaig
Sa puso kong ito maging sa aking panaginip
Upang malaman mo lang na minamahal kita
Kase mas mahalaga ka pa sa buhay ko sinta
At pipilitin kung tatawirin ang alambre
Hihiga sa lubid at sayo’y magsisilbi
At kahit na gawin mo pa akong isang alipin
Bilang tagapagsunod aking susundin
Ang mga iniutos mo aking gagawin
Kahit na ito’y mahirap kahit na ikasawi
Para lang sayo lahat ay magagawi

Repeat Chorus

Para lang sayo ang pag-ibig kong ito
Maging ang buhay ko iaalay ko sayo
Puso at isipan ang syang maggagabay
Sa iyo kahit saan ka man maglakbay
Ako ay lagi na nasa iyong tabi
Hindi mawawala umaga man o maging gabi
Ako ang syang magsisilbing saklay
Sa paglakad mo ako ang mag-aalalay
Dahil mahal kita di ka masusugatan
Sa bawat hakbang kamay mo ay hahawakan
Kahit maging tinik man ang ating lalakaran
Bubuhatin kita upang hindi ka magalusan
Di bale na ako wag mo kong intindihin
Dahil para sa yo walang imposible para sa akin

Repeat Chorus 2x