Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (9 votes, average: 4.33 stars)
Loading ... Loading ...



Lyrics of Pinoy Christmas Medley – Christmas Songs

Pasko na naman, Pasko na naman
kaya kami ngayo’y naririto
upang kayong lahat ay aming handogan
ng ibat-ibang himig na pamasko

Ang Pasko ay sumapit
Tayo ay mangagsiawit
Ng magagandang himig
Dahil sa Diyos ay pag-ibig

Nang si Kristo’y isilang
May tatlong haring nagsidalaw
At ang bawa’t isa ay nagsipaghandog
Ng tanging alay

Koro:
Bagong Taon ay magbagong-buhay
Nang Lumigaya ang ating bayan
Tayo’y magsikap upang makamtan
Natin ang kasaganaan

Tayo’y mangagsiawit
Habang ang mundo’y tahimik
Ang araw ay sumapit
Ng sanggol na dulot ng langit

Tayo ay magmahalan
Ating sundin ang gintong aral
At magbuhat ngayon
Kahit hindi Pasko ay magbigayan

Sa maybahay ang aming bati
‘Merry Christmas’ na maluwalhati
Ang pag-ibig ‘pag siyang naghari
Araw-araw ay magiging Paskong lagi

Ang sanhi po ng pagparito
Hihingi po ng aginaldo
Kung sakaling kami’y perhuwisyo
Pasensya na kayo’t kami’y namamasko.
Pasko!