Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (7 votes, average: 4.71 stars)
Loading...

Maghihintay – Gabbi Garcia and Christian Bautista Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Maghihintay – Gabbi Garcia and Christian Bautista

Nag-iisang muli, yakap-yakap ng ulan sa lupa
Maghihintay nalang ng muling pagdating mo
Bakit kaya pinagtagpo kung tayo’y magkakalayo
Mahirap man puso’y mananatili sa iyo

Umaasang muli kang makasama
Di man makita sa ngayon
(Di man makita sa ngayon)
Pagkat pag-ibig kong ito’y laan sa iyo
Apoy ng puso ko’y Maghihintay

Sa bawat sandali luha’y napapawi ng hangin
Maghihintay pa rin maging isang ating mundo
Tayo’y muling magtatagpo kahit ngayo’y magkalayo
Ang buhay ko’t puso’y mananatili sa iyo

Umaasang muli kang makasama (muling makakasama)
Di man makita sa ngayon
(Di man makita sa ngayon)
Pagkat pag-ibig kong ito’y laan sa iyo
Apoy ng puso ko’y Maghihintay

Ipaglalaban ka kahit na umabot pa
Hanggang sa dulo ng huli kong paghinga
Maghihintay… maghihintay… maghihintay…

Tayong dalwa’y muling magkakasama
Darating din ang panahon
Pagkat pag-ibig kong ito’y laan sa iyo (pag-ibig ko’y iyong iyo)
Apoy ng puso ko’y Maghihintay

Videokeman Search