Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (6 votes, average: 4.33 stars)
Loading...

Tupad Na Pangarap – Camille Santos Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Tupad Na Pangarap – Camille Santos

Kayraming pangarap minsan natutupad
Minsan ‘di para sa atin
Sa mga pagkakataong ito
Ako’y nagpapasalamat pa rin

Sa pagsikat ng araw
Liwanag ng buwan at bituin
Tubig sa dagat, mga puno’t bundok
Sariwang simoy ng hangin

[Chorus]
Oh kay ganda ng ating mundo
Nasisilayan ng aking puso
At sa mga biyayang ito
Tupad na ang pangarap ko
Tupad na ang pangarap ko

Mga bituin sa kalangitan
Kailangan ba’ng abutin?
Ang liwanag nito’t pagniningning
Ay kaligayahan na sa akin

Bahaghari pagkatapos ng ulan
Halakhak at awiting kay sarap pakinggan
Mga taong mabait at mapagbigay
Yakap at ngiti ng mahal sa buhay

[Chorus]
Oh kay ganda ng ating mundo
Nasisilayan ng aking puso
At sa mga biyayang ito
Tupad na ang pangarap ko
Tupad na ang pangarap ko

[Bridge]
Kagandahan, kabutihan, kaligayahan ang hatid

[Chorus]
Oh kay ganda ng ating mundo
Nasisilayan ng aking puso
At sa mga biyayang ito
Tupad na ang pangarap ko
Tupad na ang pangarap ko

[Outro]
(Oh kay ganda ng ating mundo)
Oh kay ganda ng ating mundo
Tupad na ang pangarap ko

Videokeman Search