Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (10 votes, average: 4.60 stars)
Loading...

Banta ( Gising Na Bayan) – Butch Charvet Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Banta ( Gising Na Bayan) – Butch Charvet

Noong unang panahon sa aklat ng Kronika
Matatagpuan isang hari ng Juda
May takot sa puso gaya ng sino man
Ngunit walang pag-aalinlangan

Siya’y lumuhod tumawag kay Yaweh
Kanyang idinulog ang kalabang kay dami
Diyos ay tumugon at sa kanya’y sinabi
Jusapat wag kang matakot

Sila’y nag-ayuno sabay nagpapuri
Lahat ay sama-sama pati na ang hari
Patnubay ni Yaweh sa kanila’y namalagi
Dahil sa panalangin banta ay napawi

Chorus
Gising na bayan tayo’y magkaisa
Oras na laan wag nang sayangin pa
Magpakatatag at manalangin na
Kay Hesus na siyang tanging pag-asa

II
Banta sa ating bayan ating nalalaman
Kahit ang iba’y nagbubulag-bulagan
Di mo maikakatwa ang katotohanan
Isang araw ay wala nang kalayaan
Kawawang bansa kung si Hesus di maghahari
Walang patutungunan, tiyak na masasawi
Ating inang bayan walang pasubali
Kukunin ng kaaway, sila’y magwawagi

Chorus
Gising na bayan tayo’y magkaisa
Oras na laan wag nang sayangin pa
Magpakatatag at manalangin na
Kay Hesus na siyang tanging pag-asa

II
Banta sa ating bayan ating nalalaman
Kahit ang iba’y nagbubulag-bulagan
Di mo maikakatwa ang katotohanan
Isang araw ay wala nang kalayaan
Kawawang bansa kung si Hesus di maghahari
Walang patutungunan, tiyak na masasawi
Ating inang bayan walang pasubali
Kukunin ng kaaway, sila’y magwawagi

Chorus (2x)
Gising na bayan tayo’y magkaisa
Oras na laan wag nang sayangin pa
Magpakatatag at manalangin na
Kay Hesus na siyang tanging pag-asa

Videokeman Search