Videokeman
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (1 votes, average: 5.00 stars)
Loading...

Sa Pinas, Sa Tate – Bugoy Na Koykoy Lyrics
VIDEOKEMAN 00:00


Lyrics of Sa Pinas, Sa Tate – Bugoy Na Koykoy

yeah, starring.. si pinas, at si tate

chorus:
dun ba sa pinas
o dun ba sa tate
saan ba pupunta akoy nalilito
doon ba o dito (2x)

PINAS: yo aalis na ako mah mhen sasama ka ba
susugal ako kahit may kasamang kaba
TATE: teka gusto ko marinig etong plano mo
san ka pupunta anong eroplano mo
P: magpa-PAL ako at ang punta ko ay sa US
magpapalago at magpapayaman to the fullest
T: yan pangarap ko noon tapos aking nakamit
ibat ibang artista aking naka meet
P: gusto kong marating kung nasaan ka man
tipong “nandito na ako sa US, nasan ka mhen?”
T: naiintindihan ko kung bakit gusto mong lumisan
pero bat magulo utak ko gusto kong linisan
P: ‘nong pinagsasabi mo para kang naka damo
parang tanga nakakagulat ang mga tirada mo
T: sana nga naka damo para maabot ang langit eh
nasa US na ako bakit di nakangiti

chorus:
dun ba sa pinas
o dun ba sa tate
saan ba pupunta akoy nalilito
doon ba o dito (2x)

P: pero teka teka bakit di ka naka smile
eh may pera pera at ang lupit ng iyong style
nasayo na lahat bagong gold na necklace
di pa ba sapat black on gold na lexus
T: tama kung ano ang malupit ay akin
panlabas ko tumatawa sa loob iyakin
P: buti ka nga meron nyan ako wala ni-isa
may pera din ako eto piso iisa
T: ngunit bakit ang ngiti ko hindi abot tenga
natutuwa kalaban ko like “aahh bute nga”
P: nagpapatawa ka ba ano ka si empoy ka?eh ang importante diba ngayon ay si amboy ka?
T: saking listahan gusto ko masaya parang pistahan
malulungkot ka din pag nandito ka pustahan
P: problema mo nga parang may lunas pa eh
gusto ko jan kahit trabaho punas tae

chorus:
dun ba sa pinas
o dun ba sa tate
saan ba pupunta akoy nalilito
doon ba o dito (2x)

T: sige goodbye paalam saking tate
babalik na ako sa aking date
P: talaga nga naman ikaw ang naiibang
kakilala ko pagkat ikaw ay nahihibang
T: kung tattoo ang pag uwi akoy magpapalagay
desidido na dun ako mapapalagay
P: eh agwat ng pangarap ko lapit nang magkadikit
mag-iipon ng pambili para akoy magka ticket
T: di naman sa kagustuhan mo ay tinagpas ko
hiwalay ka sa pamilya mo pagdating ng pasko?
P: uso naman yun diba? may pamilya pa bang buo?
mga tao pag naglakad nakataas pa bang noo?
T: bahala na kung sa pinas akoy maipit
kaligayahan hanap ko and ima keep it
P: bahala na kung sa tate akoy maipit
pera naman ang hanap ko and ima keep it!

(Chorus)