Videokeman
Send "Lumayo Ka Man Sa Akin – Bugoy Drilon" Ringtone to your Mobile
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (263 votes, average: 4.62 stars)
Loading ... Loading ...



Lyrics of Lumayo Ka Man Sa Akin – Bugoy Drilon

Lumayo ka man sa akin
At ako’y iyong limutin
Masakit man sa damdamin
Pilit pa rin titiisin.

Mga lumipas na ligaya
Ang kahapong may pag-asa
Mga pangarap na walang hanggan
Ay naglaho paglisan mo, mahal ko.

Pagkat saan ka man naroroon
Pintig ng puso ko’y para sa iyo
Naghihirap man
Ang aking damdamin
Nagmamahal pa rin sa iyo giliw
Limutin man kita’y di ko magawa
Hindi pa rin ako nagbabago
Ang pag-ibig ko sa iyo’y
Lagi mong kasama.

Mga sandaling ligaya
Kung ikaw ang siyang kasama
Sana ay di na natapos pa
Wala ng nais pang iba.
Sa gabi’y naaalala
Nalulumbay pagkat wala ka
Ang yakap mo’y aking inaasam
Sana’y maulit pang muli
Mahal ko.

Pagkat saan ka man naroroon
Pintig ng puso ko’y para sa iyo
Naghihirap man
Ang aking damdamin
Nagmamahal pa rin sa iyo giliw
Limutin man kita’y di ko magawa
Hindi pa rin ako nagbabago
Ang pag-ibig ko sa iyo’y
Lagi mong kasama.

Tuluyan man tayong di magkita
Umaasa pa rin ako sinta
Pagkat mahal kita manalig ka
Walang katulad mo sa buhay ko
Ikaw lamang ngayon,
Bukas, kaylan man
Naririto ako asahan mo
Ang pag-ibig ko sa iyo’y
Lagi mong kasama.

Ang pag-ibig ko sa iyo’y
Lagi mong kasama